^

Dr. Love

Sino ang pipiliin?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nag-iisip pa rin ako kung sino ang sasagutin ko. Alam kong mahirap makipag-relationship ngayon. Dalawa ang napupusuan ko, isang basketbolista at isang komedyanteng mahusay mambola. Kung sa bola lang, mas mahusay ang baketbolista!

Marami ang nagsasabi sa akin na sa basketbolista sila boto. Bukod sa gwapo, mahusay maglaro. Higit sa lahat sikat, kahit sino ay matatanggap siya.

May isang nagpayo sa akin na mas gusto niya ang simpleng komedyante, masayang kasama. Hindi ka magsasawa sa kakatawa.

LDR naman ang magiging sitwasyon namin, Lockdown Distance Relationship. Mas gusto ko sana ang basketbolista…parang may future ako.

Alam niya na sa buhay ay kailangan magsipag at kailangan maagap para mapagtagum-payan ang laro ng buhay.

Pero mas malambing itong si komedyante. Bukod sa mga pasalubong niya, aliw ako  kapag kami ay magkasama. Pati ang aking pamilya, siya ang hinahanap dahil sa mga banat niyang pakwela.  Sa online videos niya, lahat ay napapatawa.

‘Yun lang, may nagsasabi na malihim daw ang mga komedyante. Masaya sa panlabas pero sa kalooban may hinanakit na tinatakpan.

Sana po matulu-ngan ninyo ako. Kasi ayokong maloko o kaya magsisi balang araw kung mali pala ang desisyon ko.

Natalia

Dear Natalia,

Kung ayaw mong magkamali, bigyan mo pa ng panahon ang iyong sarili na kilalanin ang dalawa.

Lahat naman ng tao ay may galing at kahinaan.

Pusuan mong mabuti kung sino sa kanila ang tanggap mo, kahit ang kanyang kahinaan.

Kapag nalaman mo na kaya mong tanggapin ang isa sa kanila ng maluwag sa kalooban mo, roon mo lang masasabi na hindi ka nagkamali.

Huwag mo silang ikumpara kung ano ang wala o meron sila.

Dahil ang pinakamahalaga ay ma-ging masaya ka.  Ang pinakamainam na pamantayan ay kung sino ang talagang mahal mo.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with