^

Dr. Love

Sino ang pipiliin?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mandy, 21 years old. Tatlo po ang girlfriend ko at hindi sila nagkakaalaman. Ang isa ay kapitbahay ko, ang isa ay co-professor ko sa pamantasan na aking pinagtuturuan at ang pangatlo ay kaopisina ko sa aking regular na trabaho.

Pagkatapos ng aking ng regular job, nagtuturo ako ng economics sa isang university. Medyo nahihirapan ako dahil weekends lang ang pahinga at may schedule ang aking pa-kikipag-date sa kanila.

Medyo natigil lang ang aking pagtuturo dahil sa pandemic pero tuloy pa rin kaming nagkikita ng siyota ko sa pamantasan every other Saturday. Para akong tumutulay sa alambre at natatakot na makita ng sino man sa aking siyota kapag inilalabas ko ang isa.

Sa totoo lang, wala akong itulak-kabigin sa kanila. Alam kong mali pero ang ganito palang situwasyon ay mahirap takasan. Gusto ko nang itigil ang kabaliwan ko pero sino sa kanila ang ibig-break ko at ang isang tototohanin ko?

Ramdam ko kasi, pare-pareho ang pagmamahal ko sa kanila.

Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.

Mandy

Dear Mandy,

Mahirap na ngang mamangka sa dalawang ilog eh, tinatlo mo pa? Talagang hindi tama ang ginagawa mo at kahit mahirap gawin, ituwid mo na ang landas na iyong nilalakaran.

Dapat, ngayon pa lang ay timbangin mo ang kanilang mga katangian at manatili ka sa iisang babae lamang. Natural na masasaktan ‘yung mga hihiwalayan mo pero iyan ang nararapat gawin bago pa lumala ang problema.

Ikaw lamang at wala nang iba ang pwedeng pumili ng tamang babae para sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with