^

Dr. Love

Kaibigan ang naging tulay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Harley. Gusto ko lang magpasalamat sa barkada ko na si Jayjay (‘di tunay na pangalan). Nagawa niya ang lahat para maging isang mabuting tulay sa nililigawan ko. Nandito ako sa Singapore. Bago pa ako mapadpad dito, ibinilin ko na sa kanya ang nililigawan ko na ngayon ay gf ko na.

Napakahusay niya, dahil siya ang nag-build up sa akin para mapalapit sa gf ko. Ibinigay niya ang fb account ko sa girl. At panay ang kwento niya kung ano ang mga pinagkakaabahalan ko.

Kakatuwa lang, nagkasundo sila para makilala ako ng girl. Mahiyain talaga ako sa personal at wala akong masimulan na kwento kapag kaharap ko na ang isang babae.

Sa sobrang kwela at tindi ng kulit ni Jayjay, hayun sabay nila ako minsan tinatawagan. Kaya lang malakas ang loob ko dahil ang iniisip ko si Jayjay lang ang kausap ko.

Noong una nabubulol pa ako kapag may tanong ang girl sa akin. Sinimulan ko ring magbigay ng regalo sa kanya, syempre kasama na rin ang regalo ko kay Jayjay.

Hanggang nagpaulit-ulit na kami na lang dalawa ng girl ang nag-uusap. Nagkikita na kami noon sa lugar namin, kaso walang pansinan. Lagi lang naman akong nakayuko kapag dumaraan sa harap ng bahay nila.

Kaya nang makahanap na ako ng trabaho rito sa Singapore, binilin ko siya kay Jayjay. Ang alam ko may sulat pa akong ibinigay sa girl para malaman niyang gusto kong manligaw.

Na-surprise naman ako nang sabihin sa aking ng girl na matagal na rin niya akong minamatyagan at ang akala nga niya raw ay bading ako dahil lagi kong kasama si Jayjay.

Sa wakas nagka-gf rin ako. Kaya babawi ako sa kanya pag-uwi ko. Aayain ko na siyang magpakasal. May sinabi rin sa akin ang gf ko na lihim ni Jayjay, bading siya na hindi ko inaakala. 

Harley

Dear Harley,

Galing naman ng mga revelation mo. Pasalamat ka kay Jayjay sa lahat ng tinulong niya. ‘Yan ang nagagawa ng pagiging kaibigan. Pero hindi lahat ay ganyan, kaya mapalad ka kay Jayjay. Kahit malayo ka, nagawan niya ng paraan para mapalapit ka sa gf mo.

Basta hinay-hinay lang sa mga balak mo. Mag-ipon at mag-invest ka na para sa mga pangarap mo para sa inyong dalawa. Minsan may ginagamit na instrument ang Diyos para matupad ang mga hinahangad natin.

Hangad ko ang maligayang pagsasamahan ninyo ng gf mo.

DR. LOVE

 

 

 

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with