^

Dr. Love

Pag-ibig, naglahong parang bula

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ikubli mo na lang ako sa alias na Wondering Flower. Nagtataka ako sa pagbabago ng aking damdamin sa lalaki na pinakasalan ko. Mahal na mahal ko siya noong bago kami ikasal.

Two years pa lang kaming kasal pero nang ligawan niya ako, agad ko siyang sinagot at mabilis na itakda ang kasal namin. Sa unang mga buwan ng aming pagsasama, matamis at masaya ang bawata sandali hanggang sa mabuntis ako. Nga-yon ay mag-iisang taon pa lang ang aming baby.

Sa dahilang hindi ko maintindihan, unti-unting nanlamig ako sa kanya. I know it’s not fair dahil mapagmahal siya at ulirang asawa. Kaya sa kabila ng panlalamig na ito, pinilit ko na ito’y pagtakpan. Kahit wala na akong nadaramang love ay umaarte akong mahal ko siya.

Sa kabila nito, tila nahalata niya na ako ay nagpapanggap lang at madalas akong tanungin kung mahal ko pa siya.  Lagi kong sinasabing mahal na mahal ko siya. Ito’y kasinungalingang dapat kong gawin para hindi masira ang aming pamilya.

Tama ba ang ginagawa ko? Naguguluhan ako kung bakit naglaho ang damdamin ko sa aking asawa gayung napakabait niya at ulirang tao.

Wondering Flower

Dear Wondering Flower,

Mabilis ka niyang niligawan at napakabilis din kayong nagpakasal. Iyan ang nakikita kong rason kung bakit kumukupas ang damdamin mo para sa iyong mister.

Sabi mo mahal mo siya? Palagay ko ay attraction lang ang naramdaman mo noon na napagkamalan mong pag-ibig. Kung mabait siya at uliran gaya ng iyong sinabi, walang dahilan kung bakit manlalamig ka sa kanya.

Mayroon ngang mga misis na ginugulpi ng asawa pero nananatili ang pagmamahal nila. Iyan ang kaibahan ng true love sa infatuation. Tama ba, ika mo ang iyong ginagawang pagbabalatkayo? 

Sa tingin ko, kahit ang ginagawa mo ay running in conflict with what you truly feel, dapat mong ipagpatuloy para hindi mawasak ang iyong pamilya.

Dumadalangin ako na sa paglipas ng mga panahon, matututuhan mo ring mahalin ng tunay ang iyong asawa. Lagi mo lang isipin ang katangian niya na hindi taglay ng lahat ng lalaki: mabait at uliran.

Dr. Love

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with