^

Dr. Love

Inakalang patay na, nagpakasal sa iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Para akong naiiipit sa nag-uumpugang bato, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Nelia, 24 anyos at mag-iisang taon nang kasal sa lalaking matalik na kaibigan ng boyfriend ko, na inakala kong patay.

Naunang nanligaw sa akin ang asawa ko ngayon, pero nang ligawan ako ng kaibigan niya ay ito ang sinagot ko dahil mas gusto ko siya.

Dalawang taon nang mahigit ang nagdaan. Itinakda ang aming kasal ng original kong boyfriend. Pero isang buwan bago ang aming kasal ay bigla siyang naglaho. Sabi ng napangasawa ko, magkasama raw silang nagha-hunting ng baboy ramo sa bundok at bigla na lang daw siyang nawala. Malamang daw ay inatake siya ng mga mababangis na hayop at patay na siya. Naniwala naman ako.

Kaya sa araw ng aming itinakdang kasal, ang kaibigan niyang ‘yun ang pinakasalan ko sa pag-aakalang wala na ang aking boyfriend.  Kamakailan ay nagulat ako nang magpakita ang boyfriend ko. Sabi niya, nahikayat daw siyang sumapi sa isang kulto sa kabundukan at napaniwalang dapat niyang talikuran ang kanyang buhay kung gusto niyang maging kasapi.

Pero hindi nagtatagal ay naisip niya ako, kaya tumiwalag siya at binalikan ako. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Mahal ko pa rin siya at gusto ko na magkabalikan kami?

Nelia

Dear Nelia,

Nagpadalusdalos ka kasi sa pagpapakasal. Hindi mo man lang hinintay na matagpuan ang mga labi ng boyfriend mo.

Kasal ka na sa kaibigan niya, ma-liban na lang kung ipa-annul mo ang inyong kasal, hindi mo na pwedeng balikan ang dati mong boyfriend.

Hindi ko tiyak kung may ground for annulment ang kaso mo dahil abogado lang at huwes ang makapagpapasya n’yan.

Pero kung ako ay ikaw, haharapin ko na lang ang consequence ng mali kong desisyon.

Gayunman, kung nais mo ay annulment, kumonsulta ka muna sa isang abogado.

Dr. Love

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with