^

Dr. Love

Nag-away dahil sa Tiktok

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nag-away kami ng bf ko dahil lang sa Tiktok. Hindi naman talaga ako mahilig mag-tiktok pero mahilig akong sumayaw. Isa akong member ng dance group, ‘yung folk dancers. Gusto niya burahin ko ‘yung videos ko, medyo sexy daw ang dating.

Nawawala raw ang respeto ng mga tao sa akin. Napapanood nila ako sa disenteng mga okasyon tapos bigla-bigla akong nagkekembot sa social media.

Hindi naman ako sumasayaw na walang bra tulad ng iba. Hindi rin naman ako nagsasayaw ng labas ang kaluluwa. Tatlong beses lang naman ako nag-tiktok. Halos mag-viral kasi ang isang ginawa kong dance video kaya nag-aalala siya na baka pagpantasiyahan ako ng mga kalalakihan.

Ayoko siyang patulan at ayoko na dahil lang dun ay maghiwalay kami. Abogado kasi ang bf ko kaya pati yata ako gusto niyang basahan ng sintensiya.

‘Di ba bawal ang judgmental? Inaasahan ko na mauunawaan niya ako pero parang siya ang kumukundina sa akin. Para tiktok lang, gusto pa niyang palakihin. Ewan ko, minsan sa mga matatalinong tao ‘yung mga bagay na simple, pinabibigat.

‘Yun lamang po. Hindi ko pa siya kinakausap dahil kapag tungkol sayaw, daig pa niya ang tatay ko. Parang nininerbyos ako sa kanya. Baka kapag mag-asawa na kami mas marami pa siyang ikakaso sa akin. Illegal tiktok dan-cing, biro lang po.

Ma. Christina L.

Dear Ms. Christina,

Hindi ka ba napre-pressure maigi sa bf mo? Sanay kasi siya sa disenteng trabaho na bilang ang kilos. Alam mo ‘yun? Lahat ng gagawin nakaplano o dapat may tamang katuwiran. Kaya dapat malaman mo kung ano ang mga gusto niya.

Napaghahalo niya ang kanyang pagka-abogado sa personal na buhay na minsan ay hindi maiwasan.

Ang maipapayo ko ay mag-usap kayo. Kung dapat mong itigil ang pagtitiktok ay nasasaiyo ‘yun bilang respeto na rin sa kanya. Iba rin kasi ‘yung pagsasayaw ng disente kaysa sa tiktukan.

Baka naman nagpapaalala lang siya sa magiging panganib para sa iyo kung pagpantasiyahan ka nga ng iba.

Ingat-ingat din. Nakakasayaw ka naman kasama ang grupo mo, mas mainam na limitahan mo ang pagtitiktok mo kung makakaapekto ito sa iyong career.

DR. LOVE

vuukle comment

TIKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with