Kinalasan ng gf
(Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang akong Joselito, 20 anyos at binata. Mayroon akong girlfriend for 10 months. Tawagin mo na lang natin siyang Cynth. Mahal ko siya kahit hindi siya masyadong sweet sa akin. Kahit nung araw pa bago mag-pandemic, ni ayaw niyang akbayan ko siya kapag kami ay nagla-lakad. Gusto niya, abresiyete lang.

Dahil love ko siya talaga, hindi ko na pinapansin ang pagiging malamig niya sa akin. Ang importante ay mayroon akong maganda at sexy na girlfriend. Kinakantyawan nga ako ng mga tropa ko na ni hindi ko pa raw yata nahahalikan ang girlfriend ko kahit sa pisngi.

Kapag nireregaluhan ko siya ng chocolate at roses, sinasabi niya na huwag ko na lang gawin ito dahil nakokornihan siya.

May nakapagsabi sa akin na nakita ang girlfriend ko na may nakaakbay na ibang lalaki. Sabi ko naman kamukha lang niya siguro bagamat nakaramdam ako ng kurot sa puso ko.

Hanggang minsan, nagulat at sa sinabi ng girlfriend ko, na makikipag-break na siya sa akin. Ayaw niyang sabihin ang dahilan. Masakit na masakit sa aking ang nangyari at umuwi akong luhaan.

Palaisipan sa akin kung bakit siya nakipagkalas. Ano sa palagay n’yo ang pagkukulang ko, Dr. Love?

Joselito

Dear Joselito,

May mga babaeng sumasagot ng “oo” ng hindi pinag-iisipan, tapos mare-realize nila na wala pala silang gusto sa lalaking kanilang sinagot. Iyan marahil ang nangyari kay Cynth.

Inabot marahil ng ganyan katagal ang inyong very cold relationship dahil hindi niya alam kung paano sa-sabihin sa iyo na hindi ka niya talaga mahal. Kaya tulad ng nasabi mo, laging malamig ang pakikitungo niya sa iyo. Kung mahal ka niya, hindi siya magpapakita ng panlalamig at ia-appreciate niya ang mga regalong ibinibigay mo sa kanya.

Marahil, nakaipon na siya ng lakas ng loob para sabihin sa iyo ang tunay niyang nadarama. At tama naman ang kanyang ginawa, imbes na dayain ang kanyang sarili. Dapat magising ka sa katotohanan.

Dapat noon pa man ay na-realize mo na iyan at ikaw na ang naunang nakipagkalas. Pero binulag ka ng ma-tinding pagkagusto mo sa kanya, kaya hindi mo na lang pinansin ang kanyang pagkukulang. Kaya ang gawin mo ngayon, burahin mo na siya sa isip mo ang move on.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with