Nagtanan dahil ipinagkasundo
(Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Napilitan akong sumama sa boyfriend ko para magtanan dahil ipinagkasundo akong ipakasal ng aking mga magulang sa anak ng isang close family friend.

Kinausap ako ng aking parents na mapapabuti ang kalagayan ko kung magpapakasal ako sa anak ng kanilang kumpare dahil isang US citizen na may negosyo sa Amerika.

Sa kabila ng aking pagtutol, dahil wala naman akong feelings sa lalaking inirereto sa akin, pinipilit nila ako at hindi ko raw sila pwedeng suwayin. Malapit na akong mag-twenty-two at hindi na isang minor de edad at puwede na akong magdesisyon para sa sarili ko.

May boyfriend ako na alam kong mahal ko at nagmamahal sa akin. Ako na mismo ang nagsabi sa aking situwasyon at nagmungkahi na magtanan na kami. Matatag ang trabaho ni Cris at responsableng lalaki. Alam kong magiging mabuti siyang asawa.

Nang magbigay-galang kami sa aking mga magulang, inistima naman kami pero sinabi nila na masama ang kanilang loob sa nangyari. Sabi nila, panahon lang ang makapagsasabi kung manunumbalik ang dati nilang pagtingin sa akin.

Halos isang taon na kaming kasal ngayon sa huwes pero parang may bigat sa aking dibdib at sumbat ng aking konsensya dahil naging suwail ako sa mga magulang ko. Papaano mapapawi ang guilty conscience na ito?

Cornelia

Dear Cornelia,

Hindi dapat mabagabag ang iyong konsensya dahil wala kang kasalanang ginawa. Pagdating sa usapin ng puso, nasa tamang edad ka na para magdesisyon sa iyong sarili.

Ang tungkulin lang ng magulang ay magbigay ng payo pero hindi nila pwedeng baguhin ang iyong desisyon. Buhay mo iyan at kinabukasan mo ang nakataya.

Sana ay naging aral ang iyong isinulat na suliranin sa ibang magulang. Kung sinunod mo sila at hindi ka naging maligaya at naging miserable ang kalagayan mo, sila ang iyong masisisi.

Ngunit kung ikaw ang pumili na mapapangasawa, ano man ang kahihinatnan ng inyong pagsasama ay wala kang sisisi-hing iba.

Dr. Love

 

BOYFRIEND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with