Sunud-sunuran sa kanyang ina
(Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Unico hijo at mahal na mahal ng kanyang ina ang aking asawang si Rolly. Ito marahil ang dahilan kung bakit kinukontrol ng kanyang ina ang buhay ng kanyang anak, bagay na madalas naming pagtalunang mag-asawa.

Tawagin mo na lang akong Lucille, 23 anyos at may dalawang anak. Kaming mag-asawa ay nakatira sa apartment na pag-aari ng ina ni Rolly. Sa loob ng walong taong pagsasama namin, la-ging nanghihimasok ang kanyang ina, pati na sa pagdedesisyon kung saan mag-aaral ang aming anak.

Porke mayaman ang kanyang ina dahil sa kayamanang iniwan sa kanya ng yumao niyang asawa, ayaw niyang magtrabaho si Rolly dahil kaya daw kaming sustentuhin at kay Rolly din maiiwan ang kayamanan kapag ang ina niya ay pumanaw na.

Mabait naman ang trato ng aking biyenan sa akin kaso, tinatrato niyang parang baby ang kanyang anak. Sinasabihan ko si Rolly na magsarili na kami at maghanapbuhay siya dahil nakatapos naman siya ng chemical engineering. Lagi siyang tumututol dahil magagalit daw ang kanyang ina.

Ano ang gagawin ko?

Lucille

Dear Lucille,

Mali ang ginagawa ng ina ni Rolly dahil makasisira ito sa cha-racter ng kanyang anak at mawawalan ng kakayahang magdesisyon bilang padre de pamilya.

Kahit ipamana pa ng kanyang ina sa kanya ang lahat ng kayamanan, malamang na maglalaho itong parang bula kung hindi siya marunong mangasiwa sa inyong kabuhayan.

Kausapin mo siya at iyan ang bagay na pilit mong ipaunawa sa kanya. Dahil nahirati siya sa buhay señorito, maaaring mahirap mo siyang makumbinsi pero hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.

Kung magkagayon, kausapin mo rin ang iyong biyenan at ipaliwanag ang situwasyon na bagamat maganda ang kanyang intensyon, magbubunga ito ng masamang epekto sa ugali ng kanyang anak.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with