^

Dr. Love

Biglang yaman, biglang hirap

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Rosendo po ang aking pangalan, binata at 26 anyos. Yumaman ako nang magwagi ng jackpot prize sa slot machine sa casino na nagkakahalaga ng Php 50 milyon. Mula sa sadsad na kahirapan ay biglang yaman ako at umaasa lang sa kinikita sa time deposit sa bangko dahil wala naman akong alam na negosyo. High school lang ang natapos ko.

Nang nangangalakal ako ng basura, nakapulot ako ng wallet na may lamang limang libong piso. Inaya ako ng isang kaibigan sa casino at dun ako sinuwerte.

Marami ako kaibigan at galante ako sa kanila sa pag-aakalang hindi na mauubos ang limpak-limpak kong kayamanan. Marami akong girlfriends at nagkakandarapa sa akin ang mga babae. Akala ko tuluy-tuloy na ang aking magandang kapalaran.

Nagtuloy ako sa pagsusugal hanggang naging sugapa. Akala ko mananalo pa uli ako ng ganoon kalaking kayamanan. Hindi ko alam, unti-unting naubos ang kayamanan ko. Pati bahay at kotse ko at ibang ari-arian ay naibenta ko na hanggang nangu-ngutang na lang ako sa mga kaibigan ng pangsugal.

Naubos ang aking kuwarta pati ang mga kaibigan ko at mga babaeng dating nagkakandarapa sa akin ay naglahong isa-isa. Ngayon ay hilahod muli ang aking kalagayan at nagbalik sa dati kong trabaho na nangangalakal ng basura.

Ano po ang gagawin ko?

Rosendo

Dear Rosendo,

Sayang pero tapos na at mahirap nang ibalik ang dati. Isang aral ang napulot mo. Ang perang nakuha sa mabilis na paraan ay mabilis ding maubos lalo pa’t hindi mo sininop.

Kung sana nakuntento ka sa tinutubo sa bangko ng napanalunan mong kayamanan, baka lalo ka pang mayaman ngayon. Itigil mo na ang iyong pagsusugal at huwag kang umasa na suswertehin kang muli.

Kung marunong kang mangasiwa ng iyong pa-nanalapi, kahit ang kinikita mo sa basura ay pwede mong mapalaki. At ang salaping pinagpaguran mo ay lalo mong pahahalagahan at hindi mo uubusin sa pagsusugal.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with