^

Dr. Love

Nabuburyong na, nabukulan pa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Alam po ninyo, itong mister ko masyado nang nabuburyong sa bahay namin. Nagiging bugnutin. Namili lang ako pagbalik ko, nakita kong hinahabol n’ya ang mga bata sa kabilang barangay.

Kwento ng kumare ko, binato raw ng mga batang ‘yun ang bahay namin. Sakto, namang nagwawalis ang mister ko. Hayun, timaan ng bato sa noo ang mister ko. Nagdugo kaya hinabol niya ang mga bata.

Mabuti at kilala ni kumare ang pamilya ng mga bata at pinagalitan sila ni Kapitan.

Sanay kasi na kumita ng pera ang mister ko. Delivery driver siya sa isang kumpanya. Kaso nagbawas sila ng tao at kasama ang mister ko sa mga nawalan ng hanapbuhay.

Sinabihan na siyang tatawagan na lamang ng secretary ng kumpanya. Pero hanggang ngayon tengga siya.

Natutuwa na nga ako dahil nakatagpo na siya ng trabaho. At mabi-busy na rin siya. Kasi kapag narito siya sa bahay, aayain lang siya ng mga kumpare niya.

Eh, wala na nga kaming pera, inaaya pa sa sugal. Mabuti na nga na nasa bahay lang siya, kaso kung kailan nabuburyo na nga siya, saka pa nabukulan.

Sanay naman po kami sa hirap, sadyang gusto lamang ng asawa ko na magkaroon uli ng magandang trabaho para sa aming mga anak. Hayun, nagpapa­galing pa. Pasensiya na po kung mababaw lang ang kinwento ko sa inyo.

Aling Lani

Dear Aling Lani,

Sa buhay kahit simpleng mga bagay ay may aral. Kumusta na ang bukol ng mister ninyo? Sabihan mo siya na huwag basta pumapatol sa mga bata.  Naku, minsan simula lang sa bata pero nauuwi na sa mas seryosong alitan sa pagitan ng magkakapitbahay. Delikado lalo na sa panahon ngayon. Ang epekto ng quarantine ay may kasamang mental illness sa mga tao.

Mabuti at nandyan ka para maalalayan ang asawa mo. Marami ang nabuburyong nga­yon kasi sa kakaisip kung ano ang mangyayari, kung hanggang kailan matatapos ang krisis na ito.

Lagi lang tayong magdasal at stay safe, stay home!

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with