Bantay-sarado ng kuya ang gf
(Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ang tagal ng quarantine. Lalo tuloy akong naiinis sa kuya ng gf ko. Sobra kung makabantay. Kapag nasa bahay nila ako parang akala niya may gagawin akong masama sa kapatid niya. Mabuti pa ang nanay nila walang sinasabing masama sa akin.

Katabing bahay lang kasi kami. Kaya kapag nabo-bored na ako sa bahay namin sa hapon, doon ako sa kanila naglalagi.

Social distancing pa, eh tatatlo lang naman sila roon. Wala naman ang papa niya, palaging nasa barangay hall. 

Mas mahigpit pa nga ang kuya niya kaysa papa niya. Parang pulis ang kuya niya. Eh, barangay volunteer lang naman.

Hindi pa nga ako nagtatagal sa kanila pinaaalis na ako.  Hindi tuloy ako makaporma sa gf ko.

Minsan nanonood kami ng netflix. Kaso kapag dumating ang kuya niya, pinapapatay ang internet.

Tulungan mo po ako baka hindi ako makapagpigil papatulan ko na ‘yung kuya niya. Kundi ko lang mahal ang gf ko, matagal ko nang hinamon ng away ang kuya niya. ‘Yun lang po.

Aldrin ng Tondo

Dear Aldrin,

Ang alam ko isa sa maraming COVID-19 cases ay d’yan saTondo. Huwag mo namang masyadong personalin ang kuya ng gf mo. Siyempre babae ang kapatid niya, kaya mahigpit siya.

Paano kung ikaw ang nasa kalagayan ng kuya niya, ano ang gagawin mo? Maghihigpit ka rin, ‘di ba? Mas lalo ngayong panahon ng pandemic. Bawal na bawal ang mangapitbahay.

Konting tiis lang. Ikaw ang dapat mag-adjust. Pasalamat ka mabait ang parents ng gf mo sa iyo.  Kailangan natin magsakripisyo para na rin sa kapa­kanan ng lahat. 

Magtiis muna, sa fb na lang mag-chat. Try mo rin ang zoom. Higit sa lahat huwag mong kalimutan ang magdasal.

Dr. Love

BANTAY SARADO DR. LOVE QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with