^

Dr. Love

Naninikip ang dibdib sa mga bayarin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin ninyo na lang po akong Erwin. Sob­rang perwisyo ang COVID-19 na ito. Ang laki po ng problema ko ngayon. Sini­singil po kami ng may-ari ng bahay. Nakiusap na ako na baka pwedeng sa susunod na buwan na lang kami magbabayad. Ayaw po niyang pumayag dahil ang sinisingil niya ang nakalipas pang buwan na utang namin. Buntis pa naman ang misis ko kabuwanan pa niya. Hindi nga ako mamamatay sa novel virus  baka sa sikip ng dibdib ko sa hirap ako mamatay.

Ano ba itong pagsubok sa amin ng misis ko. Ngayong wala akong trabaho panay ang singil sa akin sa mga dapat naming bayaran. Mabuti pa ‘yung bumbay napakiusapan ko.

Ang pinangangambahan ko, baka mapadali ang panganganak ng misis ko sa sob­rang pag-aalala. Ang biyanan ko ang tumutulong sa amin. Pero nakakahiya rin sa kanila. Nangako ako sa kanila na hindi ko pababayaan ang kanilang anak at magiging apo.

Salamat na lang dahil may tulong ang gobyerno sa mga mahirap na tulad namin, kaya nga hinihintay ko na ito. Kaso pamba­yad lang sa upa ang ibibigay ng gobyerno.

Konting tiis lang talaga, mabuti nga mayroon din silang ipinamimigay na pagkain. Halos maiyak na nga po ako. Talagang tinitiis ko lang. Nagsisikip ang dibdib ko kapag iniisip ko ang kalagayan namin. Sa­lamat po sa inyo. Sana malagpasan natin ang pagsubok na dulot ng COVID-19.

Erwin 

Dear Erwin,

Ramdan ko ang iyong kalagayan. Marami sa ating mga kababayan nga­yon ang tulad mong naghihikahos. Tama ka mabuti’t may ginagawang tulong ang gobyerno sa mga tulad mo. Huwag kang mag-alala, malalagpasan din natin ang pandemic na ito. Manalig ka at laging manalangin.

Kausapin mo muna ang may-ari ng bahay na inuupahan ninyo, o kaya lumapit ka na mismo sa inyong barangay para matulu­ngan kayo ng maayos. Dobleng ingat lang para sa misis mo. Delikado ang manganak sa panahong ito. Pati ang mga duktor at nurse kasi ay apektado na rin.

Huwag kang mahiya sa biyanan mo, maiintidihan ka nila.

DR. LOVE

 

 

 

vuukle comment

BAYARIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with