Miss Worried
(Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hayaan po ninyong batiin ko muna kayo ng mabiyayang araw kasama ang inyong mga minamahal sa buhay. Sana po ay nananatili kayong ligtas sa karamdaman, lalo na ang kinatatakutan ngayong Coronavirus Disease 2019.

Tawagin na lang ninyo akong Miss Worried, 40-anyos at isang dalaga. Hindi ako nakapag-asawa dahil sa matagal na panahon ay nanungkulan akong kasambahay sa isang mayamang pamilya rito sa Bulacan.

Nagkaroon po ako ng boyfriend na Amerikano sa FaceBook at matagal na ang aming ugnayan sa pamamagitan ng messenger at video call. Niyaya niya akong magpakasal.  Darating daw siya sa Pilipinas upang kunin ako.

Naging very excited ako sa malaking suwerteng dumating sa aking buhay. Noon sanang nakaraang linggo ay nakatakda siyang dumating pero nagkaroon ng travel ban dahil sa kumakalat na COVID-19.

Ramdam ko po na napakatagal na ng travel ban at nagwo-worry ako na baka hindi na kami magkatuluyan ng aking boyfriend.

Kailan po kaya matatapos ang paghihintay ko?

Miss Worried

Dear Miss Worried,

Una sa lahat, gaano mo katiyak na tunay ang boyfriend mo’ng iyan? Marami kasi sa social media ang nanloloko lang at nagpapanggap pero may iba palang masamang tangka.

Ang payo ko ay maging matalino ka at huwag magpapaloko. Dapat kilalanin mo munang mabuti ang taong iyan dahil hindi maganda na magpapakasal ka sa taong hindi mo kilala, kundi lang sa social media. 

Kung siya ay manloloko lang at hindi natuloy ang kanyang pangakong kukunin ka at pakakasalan, blessing in disguise iyan at magpasalamat ka.

Pero kung pagkatapos ng krisis na ito at tumupad siya sa pangakong pupuntahan ka niya, kila-lanin mo muna siyang mabuti bago tanggapin ang alok niyang kasal. Mahirap na baka maging biktima ka ng human trafficking.

Dr. Love

MISS WORRIED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with