Sumira sa pangako
(Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Montero, 45-anyos. Hindi lang malungkot ang kasaysayan ko kundi talagang napakasakit. Nakatakda akong ikasal sa isang babaeng 19-anyos. Kaibigan ko ang ama ng bata na malaki ang pagkakautang sa akin. Matagal ko nang kursunada ang batang ito at madalas ko ngang biruin ang aking kaibigan na gusto ko siyang maging father in law kahit magkasing-edad lang kami.

Madalas nga akong mangarap mag-isa na sana ay magkaroon ng mabigat na dahilan para mapasa-akin ang magandang anak ng aking kaibigan, isang lihim na kahilingan na tila nagkatotoo.

Na-bankrupt siya sa negosyo kaya simot na simot ang kayamanan niya at wala na siyang maibabayad sa akin. Nalulong kasi siya sa pagsusugal. Alam niya na may gusto ako sa anak niyang dalaga na disinuebe anyos lang at nag-alok siya na bilang kabayaran sa utang niyang isang milyong piso sa akin, ipakakasal niya sa akin ang kanyang anak. Mabigat man sa kalooban niya ay napilitan siya dahil tinakot ko siyang idedemanda ko siya dahil may kasunduan kami.

Lumagda siya ng kasunduan na nagsasaad na papayag siyang ipakasal sa akin ang kanyang anak kapalit ng isang milyong atraso. At naitakda ang araw ng aming kasal. 

Pero sa huling mga sandali ay nagbago siya ng isip at ayaw na niyang ipakasal sa akin ang kanyang anak. Ayaw raw ng kanyang anak na dalaga na makasal sa akin.

Kung masamang tao lang ako, maaaring ipinapatay ko na lang silang mag-ama pero hindi ko ginawa ‘yon. Masakit ang ginawa ng aking kaibigan sa akin dahil napahiya ako sa maraming kaanak at kaibigan.

Aaminin kong ibig ko siyang ipapatay pero nanaig sa akin ang takot sa Diyos. Balak ko ngayon na magsampa ng demanda laban sa kanya dahil sumira siya sa kanyang pangako. May hawak naman akong katibayan na isang kasunduang nilagdaan namin pareho.

Tama po ba ang gagawin ko?

Montero

Dear Montero,

Ang breach of contract ay talagang labag sa batas. Pero iyan ay depende sa nilalaman ng kasunduan. May mga kasunduang posibleng ilegal ang nilalaman kaya malamang hindi paboran ng korte.

Ang pakikipagkasundo na ang anak ay ipambabayad sa utang ay hindi tama at maaa-ring hindi sang-ayunan ng sino mang hukom na didinig sa kaso. 

Magsilbi nawang aral sa iyo ang nangyari. Ang pag-ibig ay hindi puwedeng tumbasan ng limpak-limpak mang salapi. Kung tumanggi man ang anak ng iyong kaibigan na magpakasal sa iyo, may katuwiran siya dahil siya ay tao at hindi isang kalakal na maaaring ipambayad sa malaking pagkakautang.

Dr. Love

KASAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with