In love sa may asawa
(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

First of all, allow me to extend my warmest greetings to you, your loved ones and your multitude of readers.

Tawagin mo na lang akong Jessie, 20-anyos at binata pa. Undergraduate ako sa kursong accountancy pero kahit magkaganoon, ako ay nabigyan ng mataas na puwesto sa isang kompanyang aking pinagtatrabahuhan dahil sa aking kakayahan. Daig ko pa raw kasi ang nakapagtapos at nakapasa sa board sa taglay kong abilidad.

Ngunit dahil sa hindi ako graduate, assistant lang ako ng aming chief accountant na isang babae. Siya si Digna at mayroon na siyang asawa. Maganda si Digna ngunit minalas sa kanyang pagpili ng partner sa buhay. Ang asawa niya ay nananakit ng walang dahilan. Sa madaling sabi, isa siyang sadista na bago siya sipingan ay pinagsasasampal muna siya at ginugulpi.

Naihinga sa akin ni Digna ito dahil naging very close friends kami at hindi nagtagal ay nagkaroon kami ng mutual understanding bagama’t matatawag itong platonic o wala kaming relasyong sexual.

Sabi niya, ibig na niyang hiwalayan ang asawa niya dahil sa kalupitan nito. Madalas kaming magtagpo ni Digna sa isang restaurant at doon niya sinasabi sa akin ang kanyang mga problema. Mahal ko na si Digna pero may balakid na nakakahadlang sa amin at ito ay ang kanyang pagiging may asawa.

Dapat ko bang ipagpatuloy ang pakikipagtagpo sa kanya?

Jessie

Dear Jessie,

Kung nagtatagpo lang kayo bilang matalik na magkaibigan ay walang masama rito. Ngunit maaaring bigyan ito ng masamang kahulugan ng ibang makakakita sa inyo.

Ang unang hakbang na dapat gawin ni Digna ay magpa-medical examination siya sa sandaling saktan siya ng kanyang sadistang mister at iyon ang gawin niyang basehan sa paghaharap ng kasong kriminal laban dito at gayundin ng annulment ng kanyang kasal.

Habang kasal siya sa kanyang asawa ay hindi kayo dapat magkaroon ng romantic link kaya ipawalangbisa muna ang kasal niya para siya makapag-move on.

Dr. Love        

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with