_ngayon
^

Dr. Love

May crush sa adviser

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Honor student po ako simula pa lang noong elementary at high school. Ngayong senior high na ako, lalo ko pang pinagbubutihan. Hindi po ako tulad ng mga ibang teenagers na nagbubulakbol.

Ang problema ko po ay ang adviser namin. Sobrang idol ko siya. Hindi lang matalino sa Math, isa siya sa mga hinahangaan ko pagdating sa pakikisama sa mga students niya. Isang maginoo at hindi tulad ng ibang lalaking teacher.

Bago po mag-Christmas vacation, nag-treat po si Sir kasama kaming limang magkakaklase. Sobra ang tawanan namin at biruan sa food court ng isang mall. Napapansin na nga kami ng mga nasa paligid kasi ang iba kong klasmeyt, sobrang harot. Hanggang sa nabuking ako na may crush ako kay Sir.

Kilig much sana kaso biglang naging seryoso ako ng sabihin niyang huwag na lang daw siya ang pagtuunan ko ng pansin. Tama naman. Pero parang naiba ang mood ko. Kaya ‘yung sobrang saya ko, napalitan ng hiya.

Alam ko naman na hindi ako papatulan ni Sir o baka bading siya? Hindi naman po siguro. Parang sobrang perfect guy kasi siya. Hindi lang sa good looking at neat siya manamit, matalino talaga at super bait.

Nahihiya tuloy ako. Parang ayaw ko na siyang lapitan kasi nabuking na ako. Tapos kung lalapit ako uli sa kanya baka kung ano na isipin niya sa akin at ganun din sa mga klasmeyt ko. Ano po kaya ang maganda kong gawin?

Bianca

Dear Bianca,

Tiyak na proud ang parents mo sa iyo. Don’t bother much about your feelings sa almost perfect adviser ninyo. Natural lang sa tao ang humanga at magka-crush kahit kay Sir. Pero hanggang crush lang, iha ha. Remember you are an honor student. Focus ka pa rin sa studies mo.

Gawin mong inspirasyon sa pag-aaral mo ang mga nagagawang kabutihan sa iyo ni Sir. Bukod dun, hindi na siya pwede sa anumang uri ng engagements sa iyo maliban na matulungan ka niyang ma-maintain ang high grades mo.

Kaya kung mag-aaya uli si Sir na kumain kayo o lumabas kasama siya ay hindi pwede, maliban na lang kung alam ng parents mo o ‘yung official ang lakad ninyo. Paano kung may mangyaring hindi maganda? Pananagutan ‘yun ni Sir. Sa akin ay mga paalala lang para maging maayos ang pakikitungo mo sa iyong adviser, nasa sa’yo kung pakikinggan mo o hindi.

DR. LOVE

BIANCA DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with