Hirap maka-jackpot
(Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Wala naman akong libangan sa buhay kundi ang tumaya sa lotto. Kasi ang love life ko, parang lotto- ang hirap maka-jackpot.

Ilang beses na kong tumataya sa mga babaeng nililigawan ko pero hindi tumutugma ang numero ko sa kanila. May paboritong numero ‘yun isang niligawan ko, 24 dahil ‘yun ang edad ng naunang boyfriend niya,  ang edad ay 24, eh 32 na ako. 

Mayroon naman akong niligawan pang-trese raw ako, kaya pangit daw ‘yun...baka madedo ako. ‘Yung ibang nanligaw sa kanya nagkahiwalay din sila, minalas dahil sa kanya. Ayoko kayang madamay sa kanila.

‘Yung isa, dos ang gusto, dalawa kami sa buhay niya. Kasi nasa ibang bansa ang bf niya, gusto niya lang may sideline.

Ang totoo, dose na ang niligawan ko pero wala pa ring magkagusto sa akin at walang seryoso.

Nirereto naman ako ng barkada ko sa ibang babae kaso alanganin naman ako, de kwatro naman ang itsura.

Isa lang naman ang gusto. ‘Yung mamahalin ako ng tapat at tatanggapin kung sino ako.

Sa totoo lang, Dr Love naiinip na ako. Sabay kong hinihintay ang pagtama ko sa lotto at ang maka-jackpot  na ng babaeng magiging partner ko sa buhay.

Kung sa lotto nga, naglalaan ako ng pera ‘di lalo na sa babaeng mamahalin ko. Sana po matulungan ninyo ako.

Mr. Champ B.

Dear Mr. Champ B.,

Huwag kang mawawalan ng pag-asa sa paghahanap ng partner. Parang sa pagtaya mo ng lotto, tiwala lang. Malay mo habang tumataya ka may makilala kang makakasundo mo sa pagtaya ng lotto. Pero ang mas mainam, bro ipagdasal mo na makatagpo ka na ng para sa iyo.

Pwede rin mag-try ka ng ibang libangan bukod sa lotto. Para mas maging makabuluhan ang buhay mo.

Ang jackpot sabi nga ay hindi laging inaasahan, kundi biglang dumarating. Sige good luck sa iyo.

DR. LOVE

DR. LOVE LOTTO MR. CHAMP B
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with