^

Dr. Love

Nabudul-budol sa pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay hayaan mong batiin kita at ang iyong mga readers.

Tawagin mo na lang akong Conchita, 23-anyos, dalaga at isang bank teller. Isang taon pa lang akong nagtatrabaho. Huwag mo na sanang ilathala ang tunay kong pangalan dahil nakakahiya ang aking kasaysayan.

Hindi mo naitatanong, hindi man ako outstanding noong nag-aaral ako ng accountancy, isa naman ako sa matatawag na smart, may personalidad at matalino.

Kahit sa larangan ng pag-ibig ay pihikan ako. Hindi komo guwapo at mayaman ay sinasagot ko agad. Hindi ko akalain na darating ang araw na ako’y madedenggoy ng lalaking mapagpanggap. Hindi naman siya kaguwapuhan ngunit may porma. Ang pakilala niya sa’kin ay negosyante siya at mayroon naman siyang malaking deposito sa aming bangko. Matamis din siyang mangusap kaya nahulog ang damdamin ko sa kanya. Hindi ko na inalam ang kanyang background at sa dakong huli ay nalaman kong pamilyado na siyang tao.

Agad akong nakipag-break sa kanya. Mabuti na lang at hindi ko naibigay sa kanya ang aking sarili pero sa totoo lang muntik na akong bumigay.

Bakit hindi siya mabura sa isip ko hanggang ngayon? Parang love-hate ang nadarama ko para sa kanya. Paano ko siya tatanggalin sa aking isipan?

Conchita

Dear Conchita,

Mabubura siya sa isip mo kung ang panlolokong ginawa niya sa’yo ang lagi mong aalalahanin. Pasalamat ka sa Diyos at iniiwas ka niya sa pagsasamantala ng lalaking ‘yun.

Think about your future. Wala kang mapapala sa isang may-asawa, maliban sa kabiguan dahil magiging kabit lang ang iyong status.

Ang isang katulad niya ay hindi dapat mahalin at sana ay magsilbing leksyon ang kasaysayan mo para sa ibang babae. Kung iibig man kayo, saliksikin ang background ng lalaking nanliligaw sa inyo para malaman ninyo ang tunay niyang estado sa buhay.

Dr. Love

vuukle comment

PAG-IBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with