Hinihigpitan ng ama
(Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang ninyo akong Albert. Naiinis po ako sa papa ko. Lagi na lang mali ko ang nakikita niya. Tatlo kaming magkakapatid pero mahigpit siya sa’kin. Sa ate at kuya ko hindi naman siya ganun.

Kapag nale-late ako ng uwi, nagagalit siya. Hindi ko namang magawang sumagot sa kanya dahil natatakot ako. Mabuti pa si mama, hindi siya kaagad nagagalit.

Ang alam ko nagsimula lang ito ng makita niyang mabababa ang grades ko. Nag-aaral naman ako. Mahina lang siguro ang kukute ko gaya ng sinasabi niya sa akin. Lagi niya kasi ako kinukumpara sa mga kapatid ko. Dahil matatalino sila kaya malapit sila kay papa. Minsan nga sinasabi pa niyang babawasan niya ang allowance ko dahil hindi naman ako nag-aaral ng mabuti.

Nawawalan tuloy ako ng ganang mag-aral. Nasasamahan pa ng pang-aasar ng kuya at ate ko. Mabuti pa kung wala na lang akong kapatid tulad ng pinsan ko.

Ayaw ko namang bumagsak sa mga subjects ko. Pero mahirap intindihin lalo na sa Math. Gusto ko rin namang masaya sila sa akin, ano po kaya ang maganda kong gawin?

Albert

Dear Albert,

Huwag mo sanang masyadong damdamin ang mga paalala sa’yo ng papa mo. Huwag kang padala sa iyong emosyon, bagkus gawin mo itong isang challenge para ganahan ka at gawin mong inspirasyon ang iyong mga kapatid sa pag-aaral mo.

Subukan mong maghanap ng kalsmeyt na makakatulong sa’yo para maintindihan mo ang inyong lesson o kaya i-open mo ito sa iyong adviser para matulungan ka.

DR. LOVE

HINIHIGPITAN NG AMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with