Mabigat na desisyon
(Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako mo si Mariah, 24-anyos at isang single pa-rent. Ang anak kong babae ay six years old pa lang at mahal na mahal ko. Nagkaroon ako ng anak sa dati kong ka-live in na may asawa rin. Hiniwalayan niya ako ng isang buwan pa lang ang aming anak at ito’y hindi niya kinikilala.

Mag-isa kong itinaguyod ang anak ko na inaalagaan ng aking ina kapag nagtatrabaho ako bilang saleslady. Lumipas pa ang ilang buwan ay nakilala ko si Andy. Niligawan niya ako at naging kami. Mabait siya at hindi mahalaga kung mayroon akong madilim na nakaraan.

Niyaya akong magpakasal ni Andy at komo mahal ko siya ay pumayag ako. Ang problema ay ayaw niyang isama ang aking anak kapag kami ay nagsama na. Mabigat sa loob ko na magkakahiwalay kami ng aking anak. Itinuturing kong kayamanan ang aking anak kahit pa hindi naging responsable ang ama nito.

Nang tanungin ko ang aking ina, payag siyang kupkupin ang aking anak. Pero siya ay malapit nang mag-60 at baka hindi na kayang itaguyod ang anak ko hanggang sa paglago. 

Pilit kong kinukumbinsi si Andy na isama ko ang aking anak pero matigas ang kanyang paninindigan. Parang nahati ang aking puso pero hindi ako makapag-decide. Papayag ba ako sa kondisyon niya na iwanan ko sa aking magulang ang anak ko?

Pagpayuhan mo nga po ako, Dr. Love.

Mariah

Dear Mariah

Sampu mang boyfriend ay puwede mong ma-hanap pero ang anak ay nag-iisa na hindi puwedeng palitan.

Kung ako sa iyo, makikipag-break na lang ako sa isang boyfriend na maramot at sarili lang ang iniintindi. Isipin mo na lang ang posibleng mangyari. Kung sasama ka sa lalaking iyan at aabandunahin ang iyong kaisa-isang anak, tiyak na sa paglaki ng bata ay magtatanim sa iyo ng poot dahil iniwan mo siya para lang sa isang lalaki.

Siguro ganyan din ang mararamdaman mo kung nung bata ka ay iniwan ka ng nanay mo para sumama sa ibang lalaki. Kaya magsuri kang mabuti sa gagawin mong desisyon.

Dr. Love

DR LOVE RENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with