Dakdak nang dakdak
(Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ok na sana kung ang biyanan ko at asawa ko ang nagdadadakdak sa’kin. Naiinis ako at nanggigil sa mga kamag-anak ng mister ko. Lalo na sa tiyahin niya. Kung bakit ako raw ang pinili ng pamangkin niya. Nilandi ko lang daw ang pamangkin niya at pinagsiksikan ko ang aking sarili sa mister ko. Huwag siyang makialam sa buhay namin ng mister ko.

Alam ko na hindi ako ang inaasahang mapangasawa ng kanilang pamangkin. Hindi kami kasal ng mister ko. Ito na nga ang kinakatakot ko. Lagi nilang sinusumbat ang pagbubuntis ko sa panganay namin.

Hindi ko naman kasalanan na lokohin niya ang babaeng dapat sana ay mapapangasawa niya. Hindi ko rin naman alam na nakaayos na pala ang lahat para sa kasal nila.

Pinagtapat ng mister ko na nagdalawang-isip siya dahil ang gusto kasi ng family ng babae, huwag muna silang magpakasal at huwag munang magsama hangga’t hindi pa nape-petition ang babae ng family niya sa America.

Kaya nang mabuntis ako ng mister ko sa pagkadalaga, nagalit ang mga kamag-anak niya sa akin. Masyado raw akong feeling maganda, wala naman daw akong sinabi sa unang babae ng mister ko.

Hindi ako ang may kasalanan, ang mister ko ang kusang lumapit at nanligaw sa’kin at nilihim niya ang kanyang nakaraan. Kaya pala noon palang unang punta ko sa kanila, mainit na ang dugo nila sa akin. Hindi sila maka-move on, mga mukhang pera!

Hannah P.

Dear Hannah P.,

Kayo ng mister mo ang gumawa ng paraan para matigil na ang kanilang verbal abuse sa inyo. Mahalaga na malinaw sa inyong dalawa kung ano ang dapat ninyong gawin. Pwede rin na lumipat kayo ng tirahan para makaiwas kayo sa mga pintas at puna nila.

Mahirap kung pati ang anak ninyo ay madamay habang siya ay lumalaki. Konting tiis pa kung talagang hindi ninyo pa kayang bumukod. Hangga’t nakikita ka nila ay hindi sila titigil. Huwag ka ring makalimot magdasal. ‘Di ba nga ang sabi sa Bibliya mahalin natin ang mga kaaway at ang mga taong umuusig sa atin. Hayaan mong ang plano ng Diyos ang masunod sa inyo. Huwag din sana maging dahilan ang panlalait ng mga kamag-anak ng mister  mo ang maging sanhi ng hindi ninyo pagkakasundo ng mister mo.

Dr. Love

ASAWA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with