Nanghihinayang sa lesbian na gf
(Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Kung may mga bf na bading, ang naging gf ko naman ay lesbian. Kaya ko siya niligawan dahil maputi at maganda siya. Hindi ko talagang inakala na ganun siya. Ang boses niya ay sobrang sweet at mahinhin naman.Wala akong napansing boyish siya.

Hindi ko siya klasmeyt, pinakilala lang siya  ng kaibigan ko sa section nila. Senior high school  po kami noon.

May bumulong na sa akin na may kutob na lesbian siya. Pero hindi ako naniwala. Baka sinisiraan lang niya ang gf ko para mawalan ako ng gana.

Nagpapalda naman siya. Naku lalo na nung gra­duation ball namin, sobrang ganda niya sa kanyang gown.  Lalo nga akong na-in love sa kanya.

Nag-usap na rin kami tungkol sa nababalitaan kong pagiging lesbian niya. Pero deninay niya. Kung lesbian siya, bakit daw niya ako sasagutin?

Tama naman kaya pinanghawakan ko ang sinabi niya.

Pero after ng graduation namin sa ibang school na siya nag-aral. I was not expecting na lumabas na ang pagka-boyish niya. Ang lagi niyang kasama ay panay mga babae, na pwede naman. Kaso naaktohan kong kumakain sila ng isang girl na sweet sila at iba na ang get-up niya.

Nakamaong white shirt at nakapang-flip cap pa. Hindi ko nga namukhaan dahil nagdalawang-isip ako na baka hindi siya. Pero nagulat din siya nang lumapit ako sa kanila. Natulala silang dalawa at pinigilan niya ako. Pilit niya akong kinausap pero iniwan ko na lang sila. Hindi na ako nakipag-communicate sa kanya. At nabalitaan kong bumigay na talaga siya.  Sayang kasi mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.

Geno V.

Dear Geno,

Iba ang nararamdaman ng isang lesbian dahil kahit umibig pa siya ng isang lalaki, babae pa rin ang hinaha­ngad ng kanyang puso.

Huwag mong masyadong i-box ang gf mo. Kung ganun siya talaga hindi mo siya mapipigilan. Maaaring sinubukan lang niyang magmahal ng lalaki at hindi niya nakayanan.

Be thankful to her na nabigyan ka niya ng pagkakataong mahalin mo siya. At maaaring minahal ka rin niya.Ngunit sa panahon na nais niyang may mapatunayan sa kanyang sarili. Hayaan mo siya, kung saan siya masaya.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with