First impression
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sa unang tingin, hahangaan mo ang boyfriend kong si Ronald. Bukod sa guwaping, gentleman siya at studious. Iyan nga ang dahilan kung bakit na-in love ako sa kanya.

Ako nga pala si Maricris, 19-anyos, college student. Classmate ko sa isang subject si Ronald at pinahanga niya ako sa angkin niyang talino lalo na sa larangan ng pagsusulat. Pareho kaming kumukuha ng Communications Art.

Nang maging “kami”, marami ang nag-congra-tulate sa akin dahil isang scholar na ubod ng talino ang aking boyfriend. Limang buwan na ang aming relasyon.

Hanggang isang araw, isang kaibigan ang lumapit sa akin. Kapitbahay daw niya si Ronald at dapat ko itong makilalang mabuti. Aniya, ang ipinakikitang mabuting karakter ni Ronald ay kabaliktaran ng tunay niyang pagkatao. Palasagot daw siya sa magulang at minsan daw, sinuntok niya ang kanyang kuya ng ito’y mapagalitan.  

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ito. Ngunit kung totoo, makikipag-break ako sa kanya dahil ayaw ko sa ganyang klase ng lalaki. Sa tingin mo, Dr. Love, dapat ko bang ipagpatuloy ang aking relasyon sa kanya?

Maricris

Dear Maricris,

May kasabihang ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait na sarili.  Huwag mo agad paniwalaan ang akusasyon ng sino man na maaaring humahabi lang ng mga paninira dahil sa inggit. Huwag mo rin naman balewalain ang mga ito at baka totoo.

Hindi ko alam kung papaano mo gagawin, pero kumilos ka para makilalang mabuti hindi lamang ang iyong boyfriend, kundi maging ang kanyang pamilya. Mahirap sigurong gawin pero iyan ang nararapat. Ang pagpasok sa ganyang relasyon, lalo pa’t seryoso ay may impact sa iyong kinabukasan. Tutal mahaba pa ang panahon at kahit hindi ka masyadong mag-effort ay lalalim din ang pagkakilala mo kay Ronald sa paglipas ng panahon.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with