Mabilis dumiskarte
(Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sa LRT kaming unang nagkita. Ganun lang! Maganda siyang babae at maputi, simple at parang hapong hapo sa pagod sa maghapong pag-aaral kaya nagkusa na akong paupuin siya. At dahil nakaupo akong muli pagdating sa sumunod na istasyon, nagkaroon ako ng pagkakataong makausap siya nang matagal. Nakilala ko siya,  medyo nahihiya pa noong una. pero nagtiwala rin siya sa akin dahil nga sa pagmamagandang-loob ko. ‘Sing bilis ng LRT ang tibok ng puso ko nang oras na iyon.

Binigay ko ang number ko sa kanya at fb account. Nag-selfie pa nga kami. Kinabukasan pagkagising ko, pumunta ko sa sala at nanood ng TV. Maya-maya narinig ko ‘yung phone ko na tumunog at pagtingin ko, in-add niya na ko. ‘Di ko mawari kung sisigaw ako o ewan. Hahaha! Inantay ko siya mag-chat, eh ang tagal  kaya sabi ko sa sarili ko, bahala na kung magre-reply ‘to o hindi, magtsa-chat na ‘ko. Una kong tiningnan ‘yung picture niya. Ayan na, nag-reply na siya! Nagkausap kami at nag-set na magkikita sa MOA.

Dun namin mas nakilala ang isa’t isa. Nung sumakay kami sa ferris wheel, saktong nasa taas na kami, humarap siya sa’kin...sabay sinabi ko na alam kong napakabilis pero simula nung nakita at nakasama ko siya nung gabing ‘yun, sinabi ko sa sarili ko na ‘di ko na papakawalan ‘yung babaeng nasa harapan ko.

Napakaswerte ko at nakilala kita, kaya gusto sana kitang tanungin kung pwede ba kitang ligawan, habang buhay?” 

Ang problema, i-nisnab niya ang alok ko. Bigla na lang akong nanamlay at parang nawalan ng pag-asa. Gusto ko sanang ituloy ang panliligaw ko sa kanya pero baka tala-gang hindi pwede?

Rainmier

Dear Rainmier,

Ganun naman sa unang pagkikita, may spark ang paligid dahil sa first impression at sa kabutihang-loob na ginawa mo. Habang nagkakakilala kayo, nagkakapalagayan ng loob.

Malalaman mo ang mga bagay-bagay na tungkol sa taong ito. Baka naman sa pagkukwentuhan ninyo ay bigla na lang siyang nabigla nang sabihin mong manliligaw ka sa kanya.

Sa totoo lang, masyado ngang mabilis ang diskarte mo. Hinay-hinay lang at malay mo, gusto niyang makatiyak na hindi mo siya lolokohin. 

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with