Liar ang lawyer na bf
(Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hindi ako makapaniwala na nasasangkot ako ngayon sa eskandalo, dahil ang pinatulan kong abogado ay may asawa na pala.

Nakakainis, binata ang pagpapakilala niya sa akin at sa husay niya sa pagsasalita, ni-hindi ko siya pinagdudahan. Inaaway tuloy ako ng asawa niya. Malay ko ba na babaero pala itong bf kong lawyer na matinding liar pala.

Sayang ang nalalaman niya tungkol sa batas. Ilang taon niyang pinagsikapan para makatapos at makapasa sa bar exam ay magiging liar lang pala siya.

Hindi ko po ma-take nang sugurin ako ng asawa niya, dun mismo sa dorm na tinitirhan ko. Nagwawala roon. Nakakahiya sa mga kapitbahay namin at sa mga dorm mate ko. Hindi ko pinangarap na maging kabit at manira ng pamilya nang may pamilya. Nakakainis talaga, pati ako nadamay sa kalokohan niya.

Minahal ko na nga siya at parang na-trauma ako sa ginawa niya sa akin. Nawala tuloy ang tiwala ko sa mga lalaki. Sinumbong ko na siya sa mga kapatid ko at magulang ko. Handa na kaming harapin siya at nais naming linisin niya ang pangalan ko sa misis niya.

Gusto ko sana siyang idemanda sa kalokohan niya, pero hindi ko alam kung may habol ako sa panloloko ng kumag na liar na ‘yun. Sorry po, nawawalan tuloy ako ng paggalang sa kanya. Nadadamay tuloy ang tingin ko sa ibang lawyer eh.

Adeth

Dear Adeth,

Hindi naman lahat ng lawyer ay liar. Nagkataon na may nakilala kang manlolokong abogado. Kung gusto mong magreklamo, hu­mingi ka ng tulong sa mga legal advisers.

Mabuti at nalaman mo agad ang kasinungalingan ng bf mo.  Kung pwede mong makausap ng maayos ang misis niya, gawin mo at humingi ka ng paumanhin sa kanya dahil hindi mo naman talaga sinasadya na pumatol sa asawa niya. Ikaw pa nga ang biktima ng asawa niya.

Lagi ka na lang mag-ingat sa mga la­laking makikilala mo. Tandaan mo, hindi naman lahat ng lalaki ay sinungaling.

Dr. Love

LAWYER NA BF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with