Kulang sa ganda
(Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

 Lagrimas na lang ang itawag mo sa akin na ang kahulugan ay luha o kalungkutan.  Malapit na akong mag-30 anyos pero hindi ko naranasang ligawan ng lalaki.

Lahat ng mga kaedad ko ay may kani-kaniya ng pamilya pero ako’y nabubuhay na mag-isa sa isang maliit na apartment. Sino naman ang iibig sa katulad kong pinagkaitan ng ganda? Bukod sa pandak, maitim ako at sarat ang ilong.

Masungit daw kasi ako,  sabi ng beshie ko,  ang kaisa-isa kong matalik na kaibigan.  At sino naman ang hindi magsusungit sa ganito kong nakalulunos na kalagayan?

Bata pa ako ay kinaiinggitan ko na ang mga katropa ko na may mga boyfriends na.  Naging mailap ako at ayaw kong makihalubilo sa iba. Minsan naiisip kong tapusin na ang aking buhay.

Gusto kong mabuhay na masaya pero wala akong makitang dahilan para magsaya.  Sana’y mapagpayuhan mo ako, Dr.  Love.

Lagrimas 

 

Dear Lagrimas, 

Maraming kapos sa ganda ngunit may mga partners na totoong nagmamahal sa kanila. Hindi ang kakulangan sa ganda ang problema mo, kundi ang iyong inuugali.

You may lack physical beauty but you can still be pleasing and appealing to others kung mawawala ang iyong kasungitan.

Sa totoo lang, walang pangit na nilikha ang Diyos dahil ang bawat isa ay binigyan niya ng kakaibang katangiang hahangaan ng iba.

‘Yun ang dapat mong tuklasin sa iyong sarili sa halip na nakatuon ang isip mo sa iyong kakulangan ng gandang panlabas.

Ang panlabas na ganda ay kumukupas.  Gaano ka man kaganda o kapangit, sa pagtanda mo ay kukulubot ang iyong balat, malalagas ang ngipin, puputi ang buhok at huhukot ang likod. 

Linangin mo ang iyong panloob na kagandahan na hindi maglalaho.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with