First time makipag-date
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nabasa ko ‘yung isang isyu ninyo tungkol sa nawala ang wedding ring. Ang kwento ko naman ay nawala ang wallet ko.

Parang sa movie lang nila Dolphy… medyo komedi. Nag-aya ako ng date sa nililigawan ko. First time kong makipag-date.

Kung todo ang preparation ko, a week before inayos ko nang lahat. Very excited ako. Gusto kong ma-impress sa akin ang nililigawan ko.

Simula sa susuotin ko hanggang sa kung magkano ang magagastos namin, winidraw ko na para hindi na ako maghahanap ng bangko sa araw ng date namin.

Ready na ako that day. Tinawagan ko na siya at susunduin ko siya sa school niya. I expect na lahat ay magiging smooth.

Nang uwian na niya,  medyo kinakabahan ako at natataranta. Sinalubong ko siya, medyo panay ang kantiyaw at parinig na inabot ko sa mga klasmeyts niya.

Sumakay kami ng dyip papuntang mall. Ayos natuloy din ang date namin! Umorder na ako ng mga gusto niyang kainin.

Hayun nang magbabayad na, nawawala ang wallet ko. Patay! Hindi ko masabi sa kanya na nalaglag ang wallet ko. Hiyang hiya akong bumulong sa kanya na hindi ko makita ang wallet ko. ‘Yun pala nalaglag sa pagbaba namin sa dyip at mabuti na lang nakita niya.

Na-surprise ako na hawak niya ang wallet ko.  Nakakahiya talaga kaya simula noon, medyo umiwas ako sa kanya.

Jomari 

Dear Jomari,

Hindi lang naman ikaw ang may karanasan ng ganyan. Basta kailangan maging maingat ka. Dapat may reserba kang panggastos na hindi kasama sa wallet mo o kaya lagyan mo ng tali tulad ni Dolphy o kaya si Babalu para safe.

Kahit anuman ang mangyari sa atin. Ang mahalaga may natututunan tayo sa ating mga kapalpakan para hindi na maulit. Mabuti na lang nakuha ng nililigawan mo  ang iyong wallet. Hehehe sige. Try mo ulit makipag-date para makabawi ka sa kanya.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with