^

Dr. Love

Gabi ng ‘lamig’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi po katatakutan o horror ang kuwento ng buhay ko. Kaya po hinihiling ko sa inyo na bigyan ninyo ito ng pamagat na Gabi ng Lamig, hindi lagim.

Tawagin n’yo na lang akong Baste. Tunay po na ang bawat gabing kaniig ko ang aking misis ay gabi ng lamig, dahil para siyang isang tuod sa aming pagtatalik. Isang taon na siyang ganoon. Siya po ay 65-anyos na at ako nama’y 61. Sa kabila nito’y hindi ko siya pinagtaksilan ni minsan, pero hinahanap ko ang dati niyang init sa pakikipagtalik.

Ulirang asawa siya at maasikaso, lalu pa’t kami na lang dalawa ang nasa bahay dahil may asawa na ang aming dalawang anak. Umaasa lang kami sa aming pensiyong mag-asawa at sa kinikita ng aming three door apartment na karugtong ng aming bahay na tinitirhan. Wala akong maipipintas sa misis ko. Lahat ng gawain sa bahay ay ginagampanan niya at maasikaso siya sa akin. ‘Yun nga lang, wala na siyang gana sa pakikipagtalik. Kahit hindi naman siya tumututol kapag niyayaya ko siya.

Nakakaisip tuloy akong mag-girlfriend ng iba. May biyudang nakatira sa kabilang apartment na sa tingin ko ay may kursunada sa akin. Masama ba kung papatusin ko ang babaeng ito?

Baste

Dear Baste,

Pasalamat ka at hindi ka niya binibigo tuwing mangangalabit ka. Dakila siya. Batid niya na tungkulin niyang ibigay ang iyong pangangailangan bilang lalaki dahil iyan ay utos ng Maykapal. ‘Yung ibang babae, ni ayaw nang makatabi ang kanilang mga esposo kapag nasa menopausal age na sila.

Huwag kang magtaksil at maging tapat ka sa inyong sinumpaan nang kayo ay ikasal. Sa gulang niyang mahigit 60, natural sa babae ang pagkawala ng gana sa sex at iyan ang dapat unawain ng lalaki. Sa ibang kaso, May mga babae ring lalung umiinit kapag may edad na. Kaso, hindi ganyan ang napa-ngasawa mo.

Kung magtataksil ka ngayon, sayang ang mga lumipas na panahong naging ideal couple kayo. Manatili kang tapat sa asawa mo dahil isa siyang tunay na hiyas na dapat mong pahalagahan at ingatan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with