Madaling mapa- ‘oo’
(Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Bumabati muna ako sa iyo ng isang pinagpalang araw. Tawagin mo na lang akong Annette, getting 20 years old this coming June 5.

Gusto ko pong malaman kung may personality disorder ako dahil sa ugali kong pabagu-bago ng isip. Tatlong beses nang nangyari ito. Sinagot ko ang isang manliligaw pero kinabukasan lang ay nagsisisi na ako at agad akong nakikipag-break.  Hindi naman ako pakipot at mahirap mapasagot. Kapag ang feeling ko ay mahal ko ang aking suitor, hindi na ako nagpapatumpik-tumpik at ibinibigay ko agad ang aking matamis na oo.

Hindi naman ako nanloloko lang. Sa feelings ko, talagang gusto ko ang boy na sinasagot ko pero after a while, nawawala ang damdamin ko. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko pang magka-boyfriend at baka madagdagan ang mga nasaktan ko ang kalooban. Ano po kaya ang problema ko at ganito ako?

Annette

Dear Annette,

Wala kang personality disorder kundi padalus-dalos ka lang. Ang problema ay sinabi mo na. Madaling makuha ng isang manliligaw ang iyong oo. Hindi ka muna nag-iisip kung totoong love ang nadarama mo. Maling-mali iyan.

Kung may manliligaw sa’yo na ramdam mong attracted ka, i-evaluate mo muna ang iyong damdamin. Start of by being a friend to the guy at obserbahan kung magtatagal ang iyong nadarama para sa kanya. Minsan, ang simple attraction ay napagkakamalang love, pero hindi pala.

True love takes time to truly develop at ang pag-ibig na dumaan sa pagsubok ng panahon ay matibay at matatag.

A good relations starts with a good friendship. Maraming successful na samahan ang  nagsimula muna sa malapit na pagkakaibigan na tumatagal ng taon ngunit sa bandang huli’y nauuwi sa kasalan.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with