^

Dr. Love

Isantabi ang pride

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Ako po si Mona. Isang  artist ang asawa ko. Free lance siya. Marami na siyang nagawang illustrations sa mga libro sa iba’t ibang mga publishing house. Karamihan mga children’s books.

Dito lang nanggagaling ang kita niya at wala siyang benepisyo na katulad ng mga permament employees. May naihulog naman kami sa kanyang SSS bilang self employed kaso hindi tuloy-tuloy kada buwan.

Humina ang kanyang kita nang mauso na ang mga computer graphic apps. Mas gusto na ng mga publishing ang computer generated illustrations.

Humina na rin ang sales ng ibang publishing kaya nakakalungkot na apektado ang hanapbuhay ng mister ko.

Ngayon may sakit na siya dahil sa madalas niyang pag-inom ng alak. Ilang beses na namin siyang dinala sa ospital, mayroon siyang liver cancer. Wala kaming naipon para sa pangpagamot niya. Halos tinitipid ko ang budget namin para naman sa baon at tuition ng dalawa naming anak.

May nag-aalok ng tulong sa amin pero hindi ko alam kong tatanggapin ko. Ito ang dati niyang ka-leave in bago pa kami nagkakilala. Nagkahiwalay sila dahil sa pumatol ang babaeng ito sa isang pulitiko.

Kaya niya kaming tulungan pero hindi ko alam kung tatanggapin ko. Kung lulunukin ko ang pride ko para sa aking asawa. Payag naman si mister pero ang ikinakatakot ko ay ang masumbatan ng ibang tao.

Mona

 

Dear Mona,

Ang tulong ay tulong. Huwag kang padala sa sasabihin ng iba. Buhay na ng asawa mo ang nakataya.  Hindi naman siguro gagawin sa iyo ng babaeng iyon na pahiyain ka sa iba. Tingnan mo ang kanyang sinseridad. Maaari ka rin namang humingi ng tulong sa iba.

Minsan ang pride ang hadlang sa atin para makamove-on. Kalimutan mo ang nakaraan at mabuhay sa kasalukuyan.  Patuloy ka pa ring magdasal sa kagalingan ng mister mo at huwag kang mahiya kung may tutulong sa inyo.

Pasalamat tayo sa Diyos sa mga taong may magandang kalooban. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with