Naloloko sa bold videos
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang ninyo akong Mr. Eyes. Sa kakapanood ko ng mga bold videos sa online, nagkaroon tuloy ako ng duda sa misis ko na baka pinagtataksilan din niya ako tulad ng mga istoryang napapanood ko.

Tigang kasi ako dahil three years na ako rito sa Dubai.  Kasi nga, ayaw kong maki-pagrelasyon sa iba at umiiwas ako sa gastos kaya sa bold videos ko na lang iniraraos ang init ng katawan ko.

Medyo bata-bata pa ang edad ko kaya “mainit” pa. Sorry po kasi bulgar ang kwento ko. Pasintabi sa mga kabataan.

Kaya nga noon pa man, ayaw ko nang mag-abroad. Kilala ko ang aking sarili, madalas akong naghahanap ng lambing, lalo sa misis ko.

Araw-araw talagang tinitiis ko ang mga ganitong sitwasyon.  May mga lumalapit sa aking babae at gusto ng short time. At mayroon namang gustong makipagrelasyon nang matagalan.

Ayokong subukan kasi ayokong makarma. Baka lalo akong mag-alala na kumekerengkeng din ang misis ko sa ibang lalaki.

Propesyonal naman ako at walang masyadong bisyo. Umiinom pero may limitasyon.

Ang pangungulila ko, dinadaan ko na lang sa sariling kayod. Tapos nakakapag-isip pa ako ng masama sa misis ko. Gusto ko na nga ring maiwasan ang ganitong gawain. Sana po ay matulungan ninyo ako.

Mr. Eyes

 

Dear Mr. Eyes,

Mabigat nga ang kwento mo.

Siguro mas mainam na humanap ka pa ng mga bagay na mapagkakakitaan- sideline o kaya mapaglilibangan na makakatulong sa self development mo.

Mas mainam din na subukan mo ring mag-sports o kaya mag-gym habang may oras ka, nang hindi ka nakakaisip ng hindi maganda.

Tama ka, bunga nga ng mga pinapanood mo ang naiisip mo. Tuloy pati ang misis mo pinagdududahan mo.

Mag-focus ka kung ano ang makakatulong sa iyo at sa pamilya mo. Iwas-iwasan mo na ang mga gawing nakakaapekto sa da-ngal natin bilang tao.

Akala mo lang na walang pangit na epekto sa’yo ang napapanood mo. Ang totoo, meron… lalo na sa social life mo.

Unti-unti mong tulungan ang iyong sa-rili para mas maging maganda ang hangarin at pakikitungo mo sa iba.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with