^

Dr. Love

Awa para sa Ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napawi ang galit ko sa aking ama nang makita ko ang abang kalagayan niya. Nasa isang maliit na kwarto na parang aso na naghahanap ng kakalinga. Matanda na siya at higit niyang kailangan ng tulong.

Inaamin ko na malaki ang galit ko sa kanya dahil pinabayaan na niya kami. Si nanay ang solong bumalikat ng lahat. Nagtiyaga siyang mamasukan sa isang karenderia kaya libre na ang aming pagkain sa araw-araw.

Malaki ang nagawang pagkakamali ng aming ama sa aming ina. Bukod sa bisyong alak, nakuha pa niyang magtaksil. 

Lumapit sa akin si tatay, dama ko na wala na ang galit sa puso ko, kundi awa.  Gusto ko siyang maialis sa kalagayan niya. Pero hindi pa handang magpatawad si nanay. Nag-aaral pa ako at wala pang kakayahan para tustusan si tatay.

Payuhan po ninyo ako.

Dan

Dear Dan,

Salamat sa ibinahagi mo. Kung may kasabihang hindi matitiis ng magulang ang anak, ganun din naman ang anak sa kanyang magulang. 

Huwag sanang panay awa lang ang maramdaman mo sa iyong ama, tulungan mo siya bilang isang ma-buting anak. Huwag mo nang balikan ang mga nagawa niyang kasalanan. Ang lungkot at luha sa mahabang panahon niyang pag-iisa ang siyang kabayaran nang paglisan niya sa inyo.

Hangga’t hindi pa huli ang lahat, kailangan niya kayo bilang kanyang pamilya. Tama lang na bigyan mo siya ng pagkakataong maiayos ang mga nagawa niyang gusot.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with