^

Dr. Love

Hindi maatim

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ikubli mo na lang ako sa pangalang Ruby Red, 22-anyos at isang single parent.

May anak akong lalaki na 4 years old na dahil sa isang relasyong hindi nagtagal, dahil bawal. May asawa ang ama ng aking naging anak.

 May visiting right siya at tuwing weekend ay ipinapasyal niya ang aming supling. Minsan ay kinausap niya ako sa aming bahay. Sabi niya, may stage 4 cancer sa matres ang kanyang asawa at hindi na magtatagal ang buhay. Wala siyang supling sa kanyang asawa.

Gusto niyang planuhin ang aming kasal ngayon pa lang pero hindi ko ito masikmura. Magpaplano kaming magpakasal habang naghihirap ang asawa niya? Tulungan mo po ako. Paano ko haharapin ang ganitong situwasyon.

Ruby Red

Dear Ruby Red,

Tama ka. Kahit hindi batid ng kanyang misis, hindi tamang planuhin ang pagpapakasal ninyo gayung buhay siya at naghihirap.

Pero tatanungin kita, kung duma­ting ang sandaling pumanaw ang asawa niya, papayag ka bang magpakasal sa kanya?

Kung ganoon, sabihin mo lang sa kanya na isantabi muna ninyo ang paksang iyan dahil unfair sa taong malapit nang mawala sa daigdig. Wika nga, cross the bridge when you get there.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with