^

Dr. Love

Nangungulila sa mga anak

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay 68 years old at ang tanging kapiling sa aming tahanan ay ang aking mabuting maybahay. Masaya naman po kami, kaya lamang ay madalas na nangungulila sa aming tatlong mga anak.

Ang panganay naming babae ay nagsikap na maging nurse sa Australia. Ang pangalawa ay lalaki na naging computer technician sa Korea at ang bunso naman ay nakapag-asawa ng isang lawyer. Nakakatuwang isipin na successful silang lahat sa buhay. Marami na rin ka-ming apo.

Pero madalas pera lang ang nakararating sa aming mag-asawa. Nakaka-miss din nang sila’y maliliit pa at nakikita mong hinahanap-hanap ka nila lalo na’t nadarama mong kailangan ka nila.

Noong maliliit pa ang aming mga apo madalas pa ang aming pagkikita. Ngayon sa internet na lang kami nakapag-uusap. Hindi na namin sila nayayakap at nahahadkan. Sana makapagbakasyon kami uli nang sama-sama habang kami ay malakas pa.

Tatay Nanding

Dear Tatay Nanding,

Maraming salamat po sa inyong napakagandang sulat. Marami sa mga senior citizen na tulad ninyo ang nangungulila sa kanilang mga anak. Pero huwag mong isipin na nakalimot na ang mga anak ninyo. Baka busy lang talaga sila. Sila rin malamang miss na rin kayong makapiling. Basta always be happy dahil bawal ang sad.

Sana sa mga anak, lalo na sa mga malalayo sa kanilang mga magulang, bigyan natin sila ng kaligayahan sa mga sandaling malakas pa sila.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with