^

Dr. Love

Naghirap dahil sa sugal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang po akong Lito, 35 anyos at hiwalay sa asawa. Iniwan niya ako kasama ang kaisa-isa naming anak.      

Dati po akong mayaman at may tahanan sa isang marangyang subdivision. Dati po kasi akong OFW na nagbalik sa Pilipinas para magnegosyo at pinalad naman ako.

Nagsimula po ang problema ko nang malulong ako sa Casino. Naimbita kasi ako ng isang kaibigan at nanalo ako ng jackpot sa slot machine na P20-milyon. Akala ko, tuluy-tuloy ang buenas. Hindi ko napigilan ang sarili ko hanggang sa unti-unti naubos ang napanalunan ko. Sa hangarin kong makabawi, pati savings naming mag-asawa ay isinugal ko, pero hindi na naulit ang suwerte.

Napabayaan ko pati ang negosyo hanggang sa naibenta ko ang lahat ng aking ari-arian, Dahil dito’y iniwanan ako ng asawa ko.

Patuloy ko siyang sinusuyo na makipagbalikan pero ayaw na niya. Ano ang aking gagawin?

Lito

Dear Lito,

Ang magagawa mo ngayo’y magsimula ka sa umpisa. Huwag kang titigil sa panunuyo sa misis mo na magkabalikan kayo at ipakita mo ang pagsisikap na makabawi sa malaking nawala sa inyo sa pamamagitan nang pagpapatulo ng pawis at hindi sa sugal.

At huwag na huwag ka nang pumasok kailan man sa Casino dahil wala kang mapapalang mabuti roon.

Dr. Love

DRLOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with