^

Dr. Love

Nirereto sa biyudo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Namamasukan ako bilang kasambahay sa mag-asawang amo ko na may dalawang anak. Tuwang-tuwa sila sa akin dahil sa serbisyo ko sa kanila, lalo na si Sir Martin na inirereto pa ako sa kapatid niyang biyudo.

Mula nang ipakilala niya ako kay Kuya Jaymarc ay napapadalas na ang punta ng biyudo sa bahay nila. Kung minsan ay tinutulungan pa nga niya ako sa mga gawaing bahay.

Nakakatuwa po siya dahil mahilig magpatawa. Guwapo naman po at makisig kahit na mas matanda sa akin. Pero mukhang hindi pabor ang amo kong babae na si Ate Dory na magkalapit kami ng bayaw niya.

Kaya sa tuwing nasa kanilang bahay si Kuya Jaymarc ay nilalasing niya agad si Sir Martin at panay na ang dabog. Madalas niya rin akong inuutusan sa labas ng bahay o kaya sa mall para hindi kami magkita ni Kuya Jaymarc.

Hindi raw kasi maganda na katulong ang mapapangasawa ng biyudo na kapatid ng kanyang amo. Medyo na-offend po ako roon, dahil po ba katulong ako ay wala na akong karapatang magmahal at mahalin?

Ang problema ko po ngayon, Dr. Love mukhang tinatamaan na ako kay Kuya Jaymarc. Payuhan po ninyo ako kung dapat ko bang sundin si Ate Dory o ang puso ko?

Maria Fe

Dear Maria Fe,

Hindi ako sang-ayon na ang isang kasambahay ay wala nang karapatang umibig. Akala mo lang hindi pwede, pero pwede! Pwede! Tanungin mo si Kuya Jaymarc mo kung totoong mahal ka niya. Baka naman iba ang balak niya. Sa palagay ko naman ay nasa hustong gulang ka na at malinaw sa’yo kung anuman ang damdaming meron ka, bagay na hindi dapat saklawan ng sinuman kahit pa amo mo.

Tiyakin mo lang na mahal ka niya at mahal mo rin siya para wala kang pagsisihan sa huli.

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with