^

Dr. Love

Nagkatotoong panaginip

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

First time kong makakasama sa outing ang girlfriend ko, pero ang excitement ay nauwi sa aming pagkakagalit nang hindi ko inisip na magkakatotoo ang panaginip niya.

Bago pa kami bumiyahe papuntang Sariaya Quezon, nakituloy kami sa bahay ng isang kaibigan kung saan din manggagaling ang inarkila naming sasakyan para sa aming lahat na magkakatropa.

Alas tres ng madaling araw nang bumangon si Dianne na humihingal. Sinabi niyang may mangyayaring masama kaya huwag na lang daw ituloy ang outing namin. Nakiusap siya sa aming lahat, pero inisip namin na panaginip lang naman ‘yun at hindi magkakatotoo.

Nagkasundo kami na wala na lang magbabanggit ng tungkol sa panaginip ni Dianne at mag-enjoy lang kami lahat. Nakarating kami sa beach na wala namang nangyari at kahit pa umulan nang magsiswimming na kami, maayos pa rin ang bawat isa.

Tuloy ang happenings hanggang gabi, medyo na nagka-amats na nang magyayang maligo si Erwin. Akala namin nagbibiro lang siya habang kumakaway at nagkunwari pang nalulunod. Pero Dr. Love totoo pala na nalulunod na siya nang sandaling ‘yun pero binalewala namin.

Huli na nang ma-realize namin na hindi ‘yun joke, wala na kaming nagawa, hindi na namin siya nasagip. Doon na bumalik sa aming lahat ang babala ng panaginip ni Dianne. Sinisi niya ako dahil hindi ako nakinig sa kanya. Hanggang ngayon ay galit siya sa akin.

Payuhan po ninyo ako kung paano kami magkakabati.

Mat

Dear Mat,

Marahil naging traumatic kay Dianne ang pagkakatotoo ng panaginip niya at maaaring nasisisi niya ang kanyang sarili lalo pa’t walang nakinig sa kanya, kahit ikaw na boyfriend niya.

Kaya ang magagawa mo ngayon ay suyuin siya at ipakita ang iyong sincere sorry. Naniniwala ako na hindi aabot sa disgrasya kung hindi ninyo sinamahan ng alak ang happenings. Kaya sana magsilbing mahalagang aral sa bawat isa sa inyo ang karanasang ‘yun.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with