^

Dr. Love

Harrassment

Pilipino Star Ngayon

Dear, Dr. Love,

I give you my warm greetings and I hope you are well upon receiving this letter.

Tawagin mo na lang akong Gigi, 18 years old at isang first year college.

Niligawan ako ng aking professor. Siya ay matanda lang ng five years sa akin at guwapo. Two months na kami.

Gusto niya na mag-date kami sa isang motel para patunayan ko raw na mahal ko siya. I come from a conservative family at ayaw ko nang ganoon.

Kaso, pinipilit niya ako at parang may hint na ibabagsak ako sa kanyang subject kung hindi ako papayag sa gusto niya.

Ano ang gagawin ko?

Gigi

 

Dear Gigi,

Alam mo ba na sa ginagawa ng propesor mo ay puwede siyang idemanda?  Maaari rin siyang patalsikin sa pamantasang pinagtuturuan niya dahil sa imoralidad at paggamit ng kanyang kapangyarihan para makapang-harrass ng kanyang estudyante.

Tapusin mo na ang relasyon sa lalaking iyan at wala kang kahihinatnang mabuti. Kahit ibagsak ka niya, alam mo sa sarili mo, batay sa resulta ng mga exams mo na hindi ka boba.

Kapag ginawa niya ‘yun sa iyo, idemanda mo siya.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with