Content Cows CEO Wilma Galvante (center) with Cignal Entertainment CEO Jane Basas, Unitel president Madonna Tarrayo and other content partners

‘Takbuhan’ ng maluhong hipag
Edmund Silvestre (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2017 - 4:00pm

Dear Dr. Love,

Balo na po ako ngayon at umaasa sa buwanang pensiyon nang pumanaw kong mister at abot ng aking mga anak na katuwang ko sa pagtataguyod sa aming pamilya.

Hindi na po gaya nang dati ang aming buhay, kaya ang pagsisikap sa pagtitipid at disiplina sa paggastos ay pangunahin lagi sa konsiderasyon naming mag-anak. Lalo pa’t lumaki ang aming gastos nang bumalik sa bahay ang isa kong anak, kasama ang dalawa kong apo makaraang maghiwalay sila ng aking manugang.

Pero nakakaraos naman po ang lahat nang bayarin sa pagtutulungan naming lahat.

Ang problema po ay ang hipag ko, na nasanay na sa amin tumatakbo kapag may mga emergency na pagkakagastusan. Ganoon po kasi ang kinagawian niya noong buhay pa ang aking mister na kanyang kapatid.

Kung tutuusin, Dr. Love sa aming sitwasyon ngayon ay nakahihigit siya sa pinansiyal. Dahil bukod pa sa buwanang pensiyon na nakukuha niya sa kanyang yumao na ring mister ay regular pa siyang pinadadalhan ng mayayamang kapatid na nasa abroad.

Sadyang maluho lang po ang hipag ko, dumagdag pa ang mga anak niya na pawang umaasa sa kanya.

Minsan ay tumaas ang blood pressure niya umaasa na namang ako ang sasagot nang lahat para siya madala sa ospital. Wala naman silang pang-private pero ayaw niyang magpadala sa pampublikong pagamutan. Nung araw na ‘yun ay wala akong extrang pera, dahil pawang nakalaan na sa bayarin ng kuryente, tubig at bahay ang nakatabi.

Nagpatay-malisya lang ako sa gusto ng hipag ko at nang dumating na ang kanyang mga anak at saka ako umuwi sa bahay. Alam kong wala ring pera ang mga anak niya. Pero hindi ko isasakripisyo ang pinaglaanan namin ng mga anak ko.

Sana po ay magsilbing aral sa hipag ko ang nangyaring ‘yun. Pagpayuhan po ninyo ako kung tama bang ipagpatuloy ko na ipa-realize sa hipag ko ang maging masinop sa gastos, dahil wala po talagang garantiya na sa bawat pagtakbo niya sa akin ay may maibibigay ako o kahit sabihin pa niyang hiram pero wala naman talagang bayaran. Ang sabi ng anak ko wala akong dapat ika-guilty dahil sagad din kami.

Gumagalang,

Gilda

 

 

Dear Gilda, 

Marahil likas kang mapagbigay, pero dahil sa sitwasyon ninyo ng iyong mga anak ay hindi mo ito magawa. Walang masama roon. Ang pagtulong ay ayon sa kapasidad. At palagay ko, dapat na ring matutunan ng hipag mo ang magtipid. Dapat nating tandaan na ibigay ang tamang tulong para hindi ito maging daan para makuntento na lang na umasa ang ating kapwa at hindi na magsikap.

DR. LOVE

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.