Abril 2, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2017 - 12:00am

Pagtitibay: Ang mahalagang aral ng buhay ang mananaig sa akin. Pipiliin ko ang mabuti, dahil ito rin ang hangad kong makamit.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mapayapa ang tahanan at domestic life ngunit pagdating sa prospesyon o trabaho, may mga intriga kaya mag-ingat para maprotektahan ang sarili. Huwag sarilihin ang problema dahil may kaibigan o pamilya na makakatulong sayo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 22, 39 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang maliit na pasahod at pagkabagot sa pinagtatrabahuhan ay siyang mag-uudyok sa paghahanap ng ibang malilipatan o ang mag-apply ng trabaho sa ibang bansa. Iwasang mabanggit kahit kanino ang balak dahil may kukutiya sa iyong kakayahan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 24, 33 at light blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kung anumang panukala ang ilalapit sa nakakataas, ipagpaliban muna dahil wala kang maaasahang suporta ngayon. Gayundin, wala kang maaasahang tulong mula sa mga kaibigan o mga kamag-anak, maliban sa minamahal. Ang mahalaga ay pagtuunan ng pansin ang sariling kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 28, 34 at gray.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maaaring matagalan pa bago ka makapagdesisyon na lumagay sa tahimik, kung ikaw ay wala pang asawa. Ang makipag-date ay hindi masama kung walang gagawing masama. Ang date ay tamang paraan para lubusang makilala ang isang tao. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 26, 37 at violet.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Hindi na uso ang magpakamartir. Ipaglaban ang iyong karapatan, lalo na kung sangkot ang iyong dignidad at dangal. Huwag mahiyang ilapit sa taong higit na nakakaalam kung may problema. Huwag matakot na hingin ang tulong ng may kapangyarihan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 16, 32 at magenta.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang gumawa ng kabutihan ay may magandang ganti sa hinaharap. Kahit naiinis o mainit ang ulo, makiharap sa wastong asal sa taong gustong makipag-usap. Kahit hindi ka kumportable, makipag-usap sa bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 22, 40 at red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang makakasagupa mo ngayon ay taong may sariling isip at buhay na hindi maaaring diktahan para makuha mo ang iyong gusto. Kung may manghihingi ng iyong payo, himayin nang husto ang problema bago magbigay ng komento. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 26, 38 at jade green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mamamayani ang damdamin ng puso o kaya ng isip na dapat paglabanan dahil kung hindi, mawawalan ka ng interest sa mga bagay na dapat tapusin o gawin. Huwag dalhin sa trabaho ang suliranin na pangpuso o suliranin sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 29, 41 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Hindi maiiwasan na may makukulit na hihingin ang iyong supporta sa pulitika. Kung magkaganon, iwasan na magpahalata sa kinikilingan para maiwasan ang argumento na hahantong sa pagsisisi. Ang pagsang-ayon ay malaking sagabal sa plano. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 27, 42 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Tiyak na masisiyahan ka dahil sa isang pangyayaring magaganap o mangyayari. Kung bago pa lamang ang pakikipagrelasyon, maligaya at masaya ang pakiramdam. Subalit dapat mag-ingat dahil magiging mapusok ka at ang kapareha, na malamang hahantong sa pagsisi sa huli. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 23, 43 at beige.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Marami kang makakasagupang gawain, pero kung hindi hahaluan ng huntahan at tsismisan, tiyak matatapos. Kung may aksiyon kaagad sa binabalak, may magandang resultang mangyari. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 23, 42 at orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mag-ingat dahil may mga pangyayaring hindi ka masisiyahan. Taimtim na panalangin ang kailangan upang maiwasan ang hindi magandang magaganap. Pakitunguhan ang mga kapit-bahay dahil sila ang makakatulong sa oras ng kagipitan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 25, 40 at ivory

KUTOB
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with