Nagtapat na gay
(Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

Dear Dr. Love,

Hello, Dr. Love! Ano po ba ang dapat na ma­ging reaksiyon ng isang tulad ko na love na love ang boyfriend pero nagtapat siya na isang gay?

Halos mawindang ang dibdib ko nang hingin ni Danny ang kalayaan niya. Hindi niya raw maibibigay nang ganap ang kaligayahan ko. Dahil kabaro niya ang gusto niya.

Pinilit daw niya na magpakalalaki sa buong panahong nanliligaw siya at sa isang taong kami ay mag-on. Ang akala daw niya mapaglalabanan niya ang sigaw ng kanyang kalooban na hindi siya normal na lalaki.

May panahong puwede siyang maging masaya kung magkasama kaming dalawa. Pero sumisikal anya ang naturalesa niya. Mas masaya siya kung lalaki ang kasama niya.

Pilit kong ipinababawi sa kanya ang sinabi niya sa akin at sabihing nagbibiro lang siya. Pero iyon anya ang totoo.

Nag-girlfriend daw siya para pasayahin noon ang may malubhang sakit niyang papa. Dinala pa nga niya ako sa ospital para ipakilala. Nagpapa­salamat daw siya dahil kahit paano ay napasaya  niya ang tatay niya bago namatay.

Humingi ng tawad si Danny pero ayaw kong tanggapin ang apology niya. Gusto ko pa nga siya ipabugbog para matauhan. Pero sinaway ako ni kuya. Ano po ang dapat kong gawin, Dr. Love?

Ang balita ko, tuluyan nang nagladlad si Danny. Umalis siya sa bahay nila at sumama sa close friend niyang si Charlie. Hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin po ako dahil pinaglaruan niya ang damdamin ko. Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Lonesome Lady

Dear Lonesome Lady,

Charge it to experience. Kung dinaya man ni Danny ang damdamin mo, may dapat ka pa ring ipagpasalamat na habang maaga, nakilala mo ang tunay na pagkatao ng boyfriend mo.

Marami ka pang makikilalang higit na makapagpapaligaya sa iyo, isang tunay na lalaki kaya huwag mong ikulong sa pagngingitngit ang sarili mo.

Move on and enjoy life.

DR. LOVE

ACIRC ANG ANO DAHIL DEAR LONESOME LADY DR. LOVE LONESOME LADY NIYA PERO SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with