^

Dr. Love

Parehong buntis ang girlfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malaki po ang problema ko sa ngayon dahil ang dalawa kong girlfriends ay kapwa nagdadalang-tao.

Nayakap ko sa tuwa si Cynthia nang sabihin niya sa akin na on the family way siya at tatlong buwan na. Sinabi ko na magpapakasal kami kahit sa huwes lang muna at saka na ang engradeng handaan.

Ang nalaman kong ito na kalagayan ni Cynthia ang kumumpirma sa akin na mas mahal ko siya kaysa kay Doris. Kaya naman nagpasiya akong ipagtapat kay Doris ang lahat at makipaghiwalay na.

Pero hindi ko nagawa ang bagay na ito dahil nagsabi din si Doris na magiging daddy na ako. Hindi po ako natuwa, sa halip ay naaligaga ako sa problemang buntis ang girlfriend ko at parehong ako ang ama.

Dalawa tuloy silang umaasa ng kasal para panagutan ang sanggol sa sinapupunan nila. Paano po ang gagawin ko?

Gumagalang,

Diego
Dear Diego,

Hindi biro ang pinasok mo, kaya hindi rin madaling lusutan. Dahil kailangan maging sapat ang lakas ng loob mo sa maaaring kahinatnan, sa sandaling ipaalam mo sa isa ang pagtalikod mo para harapin ang isa pa.

Pero kung ako sa’yo habang maaga pa ay simulan mo nang ituwid ang pagkakamali mo. Siyempre talagang mahirap ito, lalo na’t pareho silang nasa maselang kondisyon.

Ang maipapayo ko, pakasalan mo ang mahal mo. Pero kailangan mong suporta­han ang sanggol na maituturing anak mo sa labas.

Hindi magiging madali ang proseso sa umpisa, pero kung magagawa mo ito aanihin mo ang matiwasay na buhay sa piling ng babaeng mahal mo at gustong maging katuwang habang buhay.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

DALAWA

DEAR DIEGO

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAYA

MALAKI

NAYAKAP

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with