^

Bansa

Mangingisda sa Zambales nangangamba sa arrest order ng China

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Masinloc, Zambales, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala ang grupo ng mga mangingisda sa arrest order ng China na ipatutupad sa Hunyo 15 ng taong ito.

Sa isinagawang konsultasyon sa municipal hall ng Masinloc, nagpapasaklolo ang mga mangingisda sa mga mambabatas dahil apektado nito ang kanilang kabuhayan.

Una nang nagbanta ang China na aarestuhin ang mga dayuhan na magagawi sa West Phi­lippine Sea kabilang sa Scarborough Shoal kung saan ikukulong ang mga ito ng 60 araw na walang pagsailalim sa paglilitis. Sa kasalukuyan, binabakuran na ngayon ng Chinese Coast Guard at maritime militia.

Sa mensahe naman ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na binasa ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Aurelio “Dong” Gonzales, ipinarating ng lider ng Kamara na ang Bajo de Masinloc ay sa Pilipinas kaya dapat lamang na ipagpatuloy ng mga mangingisda ang pamamalakaya dito na walang anumang takot sa pangha-harass at pambu-bully ng China.

“Muli, hindi kayo nag-iisa sa pagharap sa mga banta ng China. Magkaisa tayo at patuloy nating ipag­laban ang ating karapatan na mangisda sa Bajo de Masinloc. Alam natin na ito ay bahagi ng ating teritoryo at pag-aari ng Pilipinas,” ani Romualdez.

Tiniyak naman ng mga miyembro ng Kamara na tutulungan ang libu-libong mangingisda sa lalawigan ng Zambales sa pangi­ngisda ng mga ito sa Bajo de Masinloc at iba pang lugar sa gitna ng tumitin­ding bullying at harassment ng China.

Magugunita na ang Scarborough Shoal ay ina­gaw ng China noong 2012 matapos ang standoff sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Coast Guard.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with