^

Bansa

20% off sa promo items sa seniors, PWDs lusot na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
20% off sa promo items sa seniors, PWDs lusot na
Composite photo of Senior Citizen and PWD.
Pixabay

MANILA, Philippines — Lusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 10312 na magbibigay ng karagdagang discount sa mga senior citizen at persons with disability (PWDs), bukod pa sa 20 percent at VAT exemption na natatanggap na nila ngayon.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, “bukod sa nasabing discount at vat exemption, makukuha pa rin nila ang anumang discount o promotional offer ng establisimyento”.

“Halimbawa may 20 percent sale o promo ang tindahan o hotel o restaurant, dagdag pa ito sa diskwento nila at VAT exemp­-
tion bilang mga senior at PWD”,  palilinaw ni Tulfo.

Anang Deputy House Majority leader, “hindi naman malulugi ang mga establisimyento dito dahil maari nilang gamitin ang mga discount na ito bilang deductible sa buwis na babayaran nila”.

Pinamamadali na raw kasi ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpasa ng nasabing batas.

“Ayon kay Speaker Romualdez ang mga senior at PWD ang pinakakawawa na sektor na dapat tulu­ngan”, sabi ni Tulfo.

Umaasa si Cong. Tulfo na makakalusot ang HB 10312 sa Kongreso bago matapos ang taon at mapapakinaba­ngan na ng mga senior at PWD ito.

vuukle comment

PWDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with