^

Bansa

P3 bilyong ayuda ipinamahagi ni Romualdez sa 1 milyong benepisyaryo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P3 bilyong ayuda ipinamahagi ni Romualdez sa 1 milyong benepisyaryo
This photo shows House Speaker Martin Romualdez at the 33rd Biennial Convention of the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. in Manila Hotel, March 24, 2023.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Sabado ang opisyal na paglulunsad ng bagong ayuda program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong mamahagi ng P3 bilyong cash aid sa mahigit isang milyong benepisyaryo sa loob ng isang araw.

Si Romualdez ay isa sa mga pangunahing nagsusulong ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa ilalim ng tanggapan ni Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatcha­lian kung saan nasa P26.7 bilyon ang pondo sa 2024 national budget bilang cash aid program para sa mga mahihirap, medyo mahirap, minimum wage ear­ners, low-income earners at maging ang mga may problemang pinansyal.

“Karangalan ko pong ihatid sa inyo ngayong araw ang pinakabagong programa ng ating pamahalaan  — ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program, o AKAP,” ayon kay Romualdez.

“Sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., binuo natin ang programang ito para tulungan ang ating mga kababayang mahihirap na apektado ng pagtaas ng mga presyo o inflation,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ang AKAP program ay bahagi ng halos kalahati ng trilyong halaga ng pinansyal na ayuda na inaprubahan ng Kongreso at nilagdaan ni Pangulong Marcos para ganap na mapagtibay ang 2024 General Appropriations Act.

“For today’s launch, each of the 1,002,000 bene­ficiaries of the AKAP in 334 areas nationwide will receive P3,000 each, for a whopping total of over P3 billion in cash aid payout in one day,” ani Romualdez.

Aniya, ang AKAP ay para sa lahat pamilyang Pilipino na kumikita ng minimum wage o mas mababa pa.  Sinabi ni Romualdez na layunin nito na matulungan ang mga benepisyaryo na makaraos sa araw-araw, lalo na sa pagbili ng pagkain at sa iba pang mahalagang gastusin.

“May tulong pinansyal din tayo para sa mga gastusin sa ospital, gamot, at iba pang pangangailangang medikal. Pangatlo, may ayuda rin para sa mga gastusin sa pagpapalibing ayon sa kaugalian ng bawat pamilya o komunidad,” dagdag pa ng kinatawan ng Leyte 1st District

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with