^

Bansa

Pangulong Marcos negatibo sa drug test – St. Luke’s BGC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos negatibo sa drug test � St. Luke�s BGC
Pangulong Ferdinand Marcos Jr
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Inihayag ng mga drug examiner ng St. Luke’s Medical Center-Global City na negatibo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang cocaine test noong Nobyembre 2021.

Sa pagdining ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, sinabi ng drug analyst na si Geresza Reyes na lumagda sa drug test report noong 2021, na negatibo sa cocaine si Marcos.

“As to the analysis, may lumabas po na line. Sa drug test kit natin, meron do’n ‘yung control line at saka ‘yung line for the drug analyte. Doon sa resulta, may lalabas po talaga siya na line as negative,” sabi ni Reyes.

Kinumpirma naman ni drug testing laboratory head Dr. Cecilia Lim, na signatory rin sa drug test report na kayang lumabas ang resulta sa loob lamang ng dalawang minuto at 54 segundo matapos isinagawa ang pagsusuri.

“‘Yung 2 minutes and 54 seconds, kaya po talaga ng drug testing kit. Mabilis pong lumabas ‘yung resulta. ‘Yung sinasabi nila na 5 minutes, ‘yun ang maximum time na ina-allow namin na lumabas ‘yung line ng drug test. Kapag lumabas ang linya, hindi na mawawala ‘yun, negative na kayo,” sabi ni Lim.

Sumailalim si Marcos sa drug test noong  tumatakbo sa pagka-pangulo at isinumite ang negative result sa mga law enforcement agency.

Matatandaan na naglabas ng blind item noon si dating pangulong Rodrigo Duterte na isang president candidate ang gumagamit ng cocaine at ang nasabing kandidato sa pagka-presidente.

Sinabi ni Lim na hiniling lang ni Marcos na magpa-test para sa cocaine at hindi sa ibang uri ng ipinagbabawal na gamot.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with