^

Bansa

14 baril ni Quiboloy, naibenta na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na naibenta ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang 14 sa 19 na baril na nakarehistro sa kanya.

Ayon kay Fajardo, ang nasabing mga baril ay naibenta noong Disyembre 2023, bago pa man kanselahin ng PNP ang License to Own and Posses Firearms (LTOPF) ng puganteng pastor.

Batay sa talaan na isinumite ni Marlon Okubo, Executive Pastor ng Kingdom of Jesus Christ, ibinenta na ang 14 pang baril ni Quiboloy sa tatlong indibiduwal.

Si Okubo ang unang nagsuko ng limang baril ni Quiboloy sa PNP kamakailan.

Anim sa naturang mga baril ang napunta sa isang Cresente Canada na ka-pangalan ng isa sa mga kapwa-akusado ni Quiboloy; tatlo sa isang babae; at lima sa isang lalaki.

Paliwanag ni Fajardo, sakaling kay Cresente Cana­da ibinenta ang anim na baril at ang parehong indibidwal na naisyuhan ng Warrant of Arrest kaugnay ng kaso ni Quiboloy, kakanselahin din ang LTOPF at rehistro ng mga baril na pag-aari nito.

Nauna nang isinuko ni Quiboloy ang limang baril nito sa Regional Civil Security Group sa Davao noong May 2, 2024.

Naniniwala ang PNP na malapit ng madakip si Quiboloy bunsod na rin ng kanilang mga lead kung saan ito nagtatago at iba pang akusado.

Una nang sinabi ni PNP chief PGen. Rommel Francisco Marbil na tuluy-tuloy ang paghahanap kay Quiboloy.

vuukle comment

QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with