Pangulong Marcos pasok sa ‘100 Most Influential People of 2024’ ng Time Magazine

Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Pasok sa 100 Most Influential People of 2024 ng Time Magazine si Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ito ay matapos kilalanin ng Time Magazine ang mga hakbang ng Pangulo sa economic recovery matapos ang pandemya sa COVID-19 at kung paano niya inaangat ang Pilipinas sa pandaigdigang entablado.

Bukod dito, pinuri rin nito ang paninindigan ng Pangulo sa teritoryo ng Pilipinas sa gitna ng tensiyon sa rehiyon.

Sa 2024 Time 100 issue, sinabi nito na sa kabila ng mga nangyayaring problema ay sinisikap ng Pangulo na maibangon ang kanyang pamilya at ang buong bansa.

Matatandaang nakapasok din sa 100 Most Influential People ng Time Magazine sina dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 at dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2013.

Show comments