^

Bansa

Palasyo tinabla mga kondisyon ni Quiboloy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palasyo tinabla mga kondisyon ni Quiboloy
Apollo Quiboloy
AFP / Manman Dejeto

MANILA, Philippines — Tinabla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kondisyon na hini­hingi ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy bago siya sumuko.

Sa ambush interview kay Pangulong Marcos sa Bacolod City para sa pagbubukas ng P67.98 bilyon Cebu-Negros-Panay (CNP) 230 kilo volt backbone project ng National Grid Corporation (NGCP), sinabi nito na walang karapatan si Quiboloy na magbigay ng kundisyon sa gob­yerno gayung siya ang akusado.

“I think it seems to be a little bit tail wagging ano, na siya ang magbibigay ng kundisyon sa gobyerno doon sa kaso niya, akusado siya, sa warrant of arrest”, sabi ng Pangulo.

Iginiit pa ng punong ehekutibo na ang magagawa lang ng pamahalaan ay magbigay ng malasakit kay Pastor Quiboloy na matagal na rin niyang kilala.

Bukod dito, ang maipapangako lang anya ni Pangulong Marcos ay magiging patas sa proceedings, subalit sa usapin tungkol sa pakikialam ng Estados Unidos ay malayo pa ito  at aabutin pa ng taon.

Kaya sa tingin ni Marcos ay hindi dapat na mag-alala si Pastor Quiboloy.

Matatandaan na nagtakda si Quiboloy ng mga kundisyon bago siya sumuko, kabilang dito ang pagbibigay ng written guarantee ni ­Pangulong Marcos, DOJ, NBI at PNP na hindi ­manghihimasok ang Amerika sa mga kaso niya dito sa Pilipinas.

Giit ni Quiboloy, kapag nabigo siyang bigyan ng written guarantee ay hindi na siya makikita pa.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with